Tsina (paglilinaw)
Itsura
Ang artikulong ito ay tungkol sa kabihasnang Tsino. Para sa makabagong pampolitikang estado na binubuo ng Mainland China, Hong Kong at Macau, tingnan ang Republikang Popular ng Tsina. Para sa makabagong pampolitang estado na binubuo ng Taiwan, tingnan ang Republika ng Tsina. Para ibang gamit, tingnan ang Tsina (paglilinaw) (paglilinaw).
Ang Tsina (Ingles: China; Tsinong pinapayak: 中国; Tsinong tradisyonal: 中國; Hanyu Pinyin: Zhōngguó (tulong·impormasyon); Tongyong Pinyin: Jhongguó; Wade-Giles (Mandarin): Chung¹kuo²) ay isang rehiyong pangkultura, isang matandang sibilisasyon (kabihasnan), at isang entidad na binubuo ng isang (national) o maraming (multinational) bansa na sumasaklaw sa malaking bahagi ng Silangang Asya. May 16 dinastiyang naghari sa rehiyong ito.
Nagdulot ang huling Digmaang Sibil ng Tsina ng dalawang pampolitikang entidad na gumagamit ng pangalang Tsina:
- ang Republika ng Mamamayan ng Tsina (People's Republic of China o PRC), karaniwang tinatawag na Tsina, na may kontrol sa mainland China, at ang mga nagsasariling teritoryo ng Hong Kong (mula 1997) at Macau (mula 1999). Hindi sila gumagamit ng sistemang republika, bagkus communista ang uri ng pamahalaan nila.
- ang Republika ng Tsina (Republic of China o ROC), karaniwang tinatawag na Taiwan, na may control sa mga pulo ng Taiwan, Pescadores, Kinmen, at Matsu.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.