Tubong Thiele

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Larawan ng isang tubong Thiele na may pulang mga palasong nagpapakita ng daloy ng konbeksiyon o paggapang ng init sa loob nito. Nasa kanang pang-ibabang sulok ang larawan ng apoy na pinagmumulan ng sanhi ng pag-init.

Ang tubong Thiele ang isang kagamitang panglaboratoryong yari sa salamin na ipinangalan mula sa Alemang kimikong si Johannes Thiele. Dinisenyo ito upang maglaman at magpainit ng babaran o tubugan ng langis. Karaniwang ginagamit ang ganitong pagkakaayos o paghahanda upang mapag-alaman ang punto ng pagkatunaw ng isang sustansiya. Kahawig ng aparatong ito ang isang tubong pangsubok ngunit mayroon nakakakabit na hawakan o tanganan.


Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.