Turbina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang isang turbina ay isang “rotary engine”, na kumukuha ng enerhiya mula sa pagdaloy ng tubig, at binabago ito at ginagawang “useful work”. Ang mga pinakasimpleng turbina ay may isang parteng gumagalaw, isang “rotor assembly” na isang shaft o drum na may mga nakakabit na pampaikot. Habang gumagalaw o gumagana ang mga pampaikot dahil sa pagdaloy ng tubig, Ilinilipat nito ang pagikot sa rotor. Ang mga unang turbina na ginamit sa kasaysayan ng tao ay mga windmill at water wheel. Hangin, tubig, at :steam na turbina, ay kadalasan may pangsalo sa mga pampaikot para maikontrol ang tubig o hangin na gamit. Ang gumawa ng “steam turbine” ay ikrinekredito sa dalawang tao, kay Sir Charles Parsons (1854 – 1931), para sa paggawa ng reaction turbine, at para sa swedish na inhinyero na si Gustaf de Laval (1845 -1913), para sa pag gawa ng impulse turbine. Ang mga makabagong turbina ay kadalasang gumagamit ng “reaction” at “impulse” sa parehong turbina, kadalasan ding binabago ang lebel ng “reaction” at “impulse” mula sa taas hanggang baba

Isang aparato na similar sa turbina, kaso baliktad ay isang pump para sa mga likido, at compressor para sa hangin. Ang “axial compressor” sa mga “gas turbine” ay isang klase ng “pump”. Dito, pareho ding may “reaction” at “impulse” tulad ng mga turbina. Sa mga makabagong “axial compressors” naibabago na naman ang lebel ng “reaction” at “impulse”.

Gamit ng turbina[baguhin | baguhin ang batayan]

Halos lahat ng kuryente sa mundo ay galing sa isang turbina, Ang mga pinaka maayos na “steam” turbina ay nakakagamit ng 40% ng kapangyarihang thermal, at naisasayang na ang ibang init. Halos lahat din ng mga makina sa mga “jet” ay gumagamit din ng mga turbina sa pagbigay ng mekanikal na enerhiya mula sa fluid na gamit nila. Ang mga nuklear na barko at mga power plant ay gumagamit din ng turbina. Ang mga turbina ay kadalasang parte din ng isang mas malake na makina, ang isang gas turbina ay pwedeng sumasang ayon sa isang “internal combustion” na makina na may turbina , ducts, kompressor, kombustor, Heat-exchanger, fan at minsan kung ito ay para gumawa ng kuryente ay isang alternator. Mga combustion turbina at mga steam turbina ay pwede ding nakakabit sa mga pump at kompressor, o pwede ding ginagamit sa pag galaw ng mga barko, na kadalasang may “gearbox” para mabawasan ang bilis ng paginog. Ang mga “reciprocating piston engines” tulad ng mga makina na gamit sa mga eroplano ay pwedeng gumamit ng mga turbina na pinapatakbo ng kanilang ipinalalabas para magpagana ng isang “intake air compressor” Isang pagkakasaayos na ang tawag ay “turbocharger” (turbinesupercharger), o minsan isang “turbo” Ang mga turbina ay may mataas na proporsyon ng kapangyarihan sa bigat, o kapangyarihan sa laki. Ito ay dahil sa kapasidad nila gumana sa sobrang bilis na pagkakasaayos. Ang makina ng mga Space Shuttle ay gumagamit ng mga “turbopumps” (mga makina na gawa sa isang pump na nakakabit sa turbine engine) para bigyan ang mga propellants (likidong oxygen at likidong hydrogen), sa kombustyon chamber ng makina. Ang mga likidong hydrogen na turbopump ay mejo mas malake lang sa makina ng kotse,(halos nasa 700 lb ang bigat) at nakakagawa ng 70,000 hp (52.2 MW) Ang mga turboexpander ay kadalasang ginagamit pang reprigerate sa mga gawaing indutryal..