Pumunta sa nilalaman

Tzu Chi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bulwagan ng Payapang Isipan (Still Thought Hall) ng Organisasyong Tzu-Chi. Nasa kanan ang isang ospital.

Ang Pundasyong Tzu Chi (Ingles: Tzu Chi Foundation, Tsinong pinapayak: 慈济基金会; Tsinong tradisyonal: 慈濟基金會; pinyin: Cí Jì; Wade–Giles: Tz'u Chi) ay isa sa pinakamalaking organisasyong Budista na nakabase sa Taiwan. Ang organisasyong ito ay itinatag ni Master Cheng yen, sa Hualien, Taiwan noong 14 Abril 1966 sa Hualien, Taiwan, matapos maliwanagan ng kanyang mentor na si Venerable Master Yin Shun (印順導師, Yin Shun Dao Shi), na nagturo ng makabagong bersiyon ng Makataong Budismo. Ang kanyang abiso ay "magsilbi para sa budismo at para sa sangkatauhan." Nagsimula ang samahan na may 30 maybahay na nagbigay ng maliit na halaga araw-araw hanggang sa lumawak ang organisasyon na kumakabilang sa mahigit 10 milyong kasapi.

Datapwat ang mga tradisyunal na mga samahang Budismo ay nagtuturo ng makasariling kaliwanagan at meditasyon, ang Tzu Chi ay nakapokus sa boluntaryong pagseserbisyo at outreach (kabilang ang medikal, edukasyonal, at tulong sa sakuna). Ngayon, masasabing isa sa pinakaepektibo at pinakamaayos na aid agencies sa rehiyon.

Ang karamihan sa misyon ng Tzu Chi ay pinapatupad ng internasyonal na network ng mga boluntaryo bagamat may minoryang kasapi na mga monghe. Makikilala ang mga volunteer ng Tzu Chi sa kanilang distinktibong mga uniporme (kulay asul na kamiseta, puting pantalon at sapatos, itim na sintoron,at logong may barko na nasa isang bulaklak na lotus). Kilala din sila sa tawag na "bughaw na mga anghel" dahil sa kanilang mga uniporme.

May mga sub-organisasyon ang Tzu Chi, katulad ng Tzu Chi Collegiate Association (慈濟大專青年聯誼會) na isa sa pinakakilala. Mayroon itong mga chapter sa mga kolehiyo sa daigdig.

Nananatiling non-profit organization ang Tzu Chi at nakapagtayo ito ng maraming ospital at paaralan sa iba't-ibang bansa, kabilang ang komprehensibong sistema ng edukasyon mula kindergarten, graduate school, at medical school sa Taiwan.

Ang Tagapagtatag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Master Cheng Yen, ang tagapagtatag ng Tzu Chi Foundation ay kasalukuyang namumuno ng pandaigdigang programang espiritwal at kawanggawa ng organisasyon. Ang kanyang mga karanasan sa buhay ay nagudlot sa kanyang pagturo ng isang bersiyon ng Budismo na nagpapakita ng di-pangkundisyunal na pagibig sa pamamagitan ng pagkilos. Kabilang na dito ang pagkamatay ng kanyang ama sa atake sa puso dahil sa kanyang hindi tamang paraan ng pag-alaga. Matapos, nakasaksi siya ng isang nagdurugong butis na aborihinal na hindi binigyan ng atensiyong medikal dala ng kakulangan sa pera. Isa pang karanasan ay ang pagsabi ng tatlong misyonerong Katoliko na "Kayong mga Buddhist ay isang passive na grupo at wala kayong pakialam sa mga pangangailangan ng iba." Mula sa mga karanasang ito, nabigyan diwa ni Master Cheng Yen ang kahalagahan ng pagsisilbi para sa sangkatauhan. Kanyang pangitain ang pagkakaroong ng isang mundong puno ng kabutihan, habag, kasiyahan, at pagkakapantay-pantay.

Sa ngayon, ang impluwensiya ni Master Cheng Yen sa mundo ay makikita sa mga madamdaming mga kuwento nga kanyang mga desiplo at mga natulungan sa pamamagitan ng Tzu Chi Foundation

Bagamat nagsumla ang Tzu Chi Foundation hna nagtuturo ng mga doktrinang Budismo, ang organisasyon ay kilala sa mga larangan ng kwanggawa, mesisina, edukasyon, at kultura. Ang opisyal na moto ng Tzu Chi ay 四大志業,八大腳印 (Apat na hangarin, at walong imprenta). Ang walong imprenta ay mga kawanggawa, pangmedikal, pagsulong sa edukasyon, humanidad, pandaigdigang tulong sa sakuna, donasyon ng bone-marrow, pagvovolunteer sa komunidad, at pagrerecycle.

the organization is also popularly known for its selfless contributions to society in numerous ways in the areas of Charity, Medicine, Education, and Culture. The official motto, or concept behind Tzu Chi Foundation is the (四大志業,八大腳印), which means, "Four endeavors, eight footprints". The eight footprints are charity causes, medical contributions, education development, humanities, international disaster assistance, bone-marrow donation, community volunteerism, and recycling. Ayon sa organisasyon, sinusulong nito ang kanyang misyon, na may diwa ng sinseridad, integridad, at kumpiyansa. Naniniwala sila sa pagkapantay-pantay ng sankatauhan ay potensiyal ng bawat tao na magkaroon ng katangiang Buddha. Sa pamamagitan ng mga pusong malasakit, matatamo ang biyaya ay kasayahan at matatamo ng mga nangangailangan ang katiwasayan at kapayapaan.

Opinyon ng Publiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakatanngap ng iilang kritismo ang Tzu Chi mula sa ilang sektor ng lipunan ng Taiwan dahil sa kanilang mga aktibidad sa Tsina, na may away-politika sa Taiwan ngunit nabawasan ang kritismo noong aktibong tumulong ang Tzu Chi noong lumindol sa Taiwan noong 21 Setyembre 2000 at naiulat na mas magaling ang kanilang pagsagawa ng relief operation kumpara sa gubyerno ng Taiwan.

Gawain sa Tsina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil hindi nakikialam sa politika ang Tzu Chi, pinayagan ng gobyerno ng Tsina na magespand ang kanyang mga proyekto doon at naging kauna-unahang samahang panlabas na pinayagang magrehistro sa bansa. Madalas sabihin ni Master Cheng Yen ang pagtatayo ng isang "tulay ng pag-ibig" sa pagitan ng Tsina at Taiwan. Nagsimula ito noong nagkaroon ng matinding pagbaga sa Timog at Gitnang Tsina noong 1911 at nakibahagi ang Tzu Chi sa mga relief operation. Nakapagtayo rin ng mga paaralan, nursing home, at mga baryo, kabilang ang mga imprastruktura sa mga mahihirap ng lugar tulad ng Guzhou Noong 2008, nakapagbigay ang Tzu Chi ng tulong medikal at pagkain noong lumindol sa Sichuan.

Pagreresaykel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpapalakad ang pundasyon ng mahigit 4,500 na mga recycling station sa Taiwan at sa rehiyon. Isa sa pinakatanyag na proyekto nito ang pagrerecycle ng mga boteng plastik polyethylene terephthalate (PET) na ginagawang mga kumot, kamiseta, underwear, uniporme, atbp. na binabahagi sa mahihirap at mga biktima ng kalamidad.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]