Utot

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Utot (paglilinaw).

Ang utot[1] (Ingles: flatulence, flatus, fart) ay ang hanging lumalabas o sumisingaw mula sa butas ng puwit ng tao o hayop. Nagkakaroon ng kabag (tympanites sa Ingles, mula sa Griyegong τύμπανο o "tambol") ), ang pamimintog o paglobo ng tiyan dahil sa pagtataglay at pagkakaipon ng hangin sa loob ng tiyan.[2] Samantala, tinatawag namang meteorismo kapag namintog o lumobo ang bituka dahil sa pagkakaipon ng hangin sa loob nito. Nakakaapekto ang meteorismo sa normal na paghinga ng tao.[3] Kapwa nagaganap ang kabag at meteorismo sa loob ng landasing gastrointestinal.

Mga sanhi[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa maaaring maging sanhi ng meteorismo at kabag ang mga sumusunod:

  • Bara sa bituka
  • Mga bato sa bato
  • Kasiraan sa tungkulin ng bahagi ng katawan (disordeng punksyonal)
  • Labis na pagkain
  • Labis na paglaki o pagdami ng bakterya
  • Pamamaga ng bituka
  • Sobra sa pagkain ng matatabang pagkain gaya ng taba ng baboy na nagdudulot ng mabagal na pagtunaw ng pagkain sa loob ng tiyan

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Utot". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990. 
  2. Gaboy, Luciano L. "Tympanites, kabag". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. 
  3. Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot) (1939). "Meteorism". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).  Check date values in: |date= (help), pahina 504.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.