Pumunta sa nilalaman

Web hosting

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang web hosting ay isang uri ng serbisyo na nagbibigay ng pasilidad para makagawa at makapagpanatili ng mga website at mailagay ito sa World Wide Web.[1] Kung minsan, tinatawag na web host ang mga kompanyang nagbibigay ng serbisyong web hosting.

Karaniwan na, kinakailangan ang mga sumusunod para sa web hosting:

  • isa o higit pang mga server na kikilos bilang (mga) host para sa mga website; maaaring pisikal o virtual ang mga server
  • isang lugar (data center) para sa (mga) server para sa pisikal na dako, kuryente, at koneksyon sa Internet;
  • pag-aayos ng Domain Name System para matukoy ang (mga) pangalan para sa mga website at maituro sila sa (mga) server;
  • isang web server na tumatakbo sa host;
  • para sa bawat website na nasa server:
    • espasyo sa (mga) server para maging imbakan ng mga file na bumubuo sa website
    • mga espesipikong kaayusan para sa mga website
    • kalimitan na, isang database
    • software at mga kredensiyal na magbibigay ng awtorisasyon sa client na makagawa, makapag-ayos, at makapagbago sa website
    • koneksiyon sa email para makapagpadala ng email ang host at website sa client.


Internet Ang lathalaing ito na tungkol sa Internet ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. updated, Ruby P. Jane last (2021-05-18). "What is web hosting and why do you need it?". TechRadar (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)