William Shakespeare

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si William Shakespeare.

Si William Shakespeare (ipinanganak 26 Abril 1564 – namatay 23 Abril 1616) ay isang manunulat ng Ingles. Maraming tao ang nagsasabing siya ay isa sa mga dakilang manunulat sa lahat ng panahon. Sumulat siya ng mga magagandang kuwento ng trahedya, mga nakakatuwang komedya at walang katumbas na kasaysayang kuwento ng Ingles. Ang kanyang mga tula at palabas ay patungkol sa mga nararamdam ng mga tao tulad ng pag-ibig, pagka-inggit, galit at marami pang iba. Siya ay pinag-aaralan ng mga bata sa mga paaralan sa buong mundo. Sinulat niya ang kanyang mga likha sa pagitan ng 1585 at 1613.

Talambuhay[baguhin]

Ipinanganak si William Shakespeare sa Stratford-upon-Avon, Inglatera, noong Abril 1564, ang anak nila John Shakespeare at Mary Arden. Mayaman ang ama ni Shakespeare ng siya ay ipinanganak, ngunit nawala ang kahalagahan nito ng ibenta ang wool laban sa batas.

Naging asawa ni Shakespeare si Anne Hathaway, na mas matanda sa kanya ng walong taon, noong 28 Nobyembre 1582 sa Temple Grafton, malapit sa Stratford. Tatlong buwang buntis noon si Anne. Noong 26 Mayo 1583, isinilang ang unang anak ni Shakespeare na si Susanna, at bininyagan sa Stratford. Sumunod ang kambal na anak nito na sina Hamnet, at Judith, ay bininyagan noong 2 Pebrero 1585. Namatay si Hamnet noong 1596 at inilibing noong Agosto 11.

Mga naisulat[baguhin]

Kasaysayan ng mga Ingles[baguhin]

Komedya[baguhin]

Trahedya[baguhin]

Mga tula[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.