ÖVP

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Österreichische Volkspartei ay isang partidong pampolitika sa Austria. Itinatag ang partido noong 1945. Si Wolfgang Schüssel ang pinuno ng partido.

Ang Junge Volkspartei ang kapisanang pangkabataan ng partido.

Sa halalang pamparlamento ng 2002, nagtamo ng 2 076 833 boto ang partido (42.30%, 79 upuan).

Nakakakuha ng 1 969 326 boto (47.6%) si Benita Ferrero-Waldner noong halalang pampangulo ng 2004.

May 6 upuan ang partido sa Parlamentong Europeo.

Panlabas na link[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.