Pumunta sa nilalaman

Adventure Time

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Adventure Time
UriPakikipagsapalaran
Comedy-drama
Science-fantasy
GumawaPendleton Ward
Isinulat ni/ninaPendleton Ward
Patrick McHale
Adam Muto
Tim McKeon
Merriwether Williams
Steve Little
Thurop Van Orman
Kent Osborne
Mark Banker
DirektorLarry Leichliter
Creative directorPatrick McHale
Cole Sanchez
Adam Muto
Nate Cash
Boses ni/ninaJeremy Shada
John DiMaggio
Hynden Walch
Niki Yang
Tom Kenny
Olivia Olson
Martin Olson
Dee Bradley Baker
Pendleton Ward
Polly Lou Livingston
Jessica DiCicco
Maria Bamford
KompositorCasey James Basichis & Tim Kiefer
Bansang pinagmulanEstados Unidos
Bilang ng season5
Bilang ng kabanata126 (List of Adventure Time episodes)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapDerek Drymon
Fred Seibert
Para sa Cartoon Network:
Curtis Lelash
Brian A. Miller
Jennifer Pelphrey
Rob Swartz
Rob Sorcher[1]
ProdyuserKelly Crews
Adam Muto (gumawang nangangasiwa)
Oras ng pagpapalabas11 minuto
KompanyaFrederator Studios
Cartoon Network Studios
Pagsasahimpapawid
Picture format1080i
Orihinal na pagsasapahimpapawid5 Abril 2010 (2010-04-05) –
3 Setyembre 2018 (2018-09-03)
Website
Opisyal
Production

Ang Adventure Time (na may orihinal na pamagat na Adventure Time with Finn & Jake) ay isang Amerikanong seryeng pantelebisyon na nilikha ni Pendleton Ward para sa Cartoon Network. Ang seryeng ito ay tumatalakay hinggil sa mga pakikipagsapalaran ni Finn (sa tinig ni Jeremy Shada), isang batang-tao, at ng kanyang matalik na kaibigan at mapag-arugang kapatid na si Jake (sa tinig ni John DiMaggio), isang aso na may kakaibang kapangyarihan upang magbago ng hugis, magpalaki at magpaliit kung nanaisin nito. Nabubuhay sina Finn at Jake sa Lupain ng Ooo (Land of Ooo). Sa kanilang paglalakbay ay makikilala nila ang iba pang mga pangunahing tauhan ng palabas: sina Prinsesa Bubblegum (sa tinig ni Hynden Walch), Ang Haring Yelo (sa tinig ni Tom Kenny), at Marceline ang Reynang Bampira (sa tinig ni Olivia Olson).

Ang serye ay batay sa isang maikling palabas na binuo para sa munting serye ng Nicktoons at Frederator Studios na Random! Cartoons. Matapos itong maging patok sa Internet, kinuha ito ng Cartoon Network para gawing isang buong serye na unang ipinalabas noong 11 Marso 2010, at opisyal na nag-umpisa noong 5 Abril 2010. Ang serye, na ang inspirasyon ay mula sa pantasyang dulaang laro (fantasy role-playing game) na Dungeons & Dragons at maging sa ibang mga larong bidyo, ay ipinrodyus sa pamamagitan ng animasyong guhit-kamay. Nililikha ang mga kabanata sa pamamagitan ng proseso ng storyboarding, at ang isang kabanata ay inaabot ng walo hanggang siyam na buwan upang matapos, bagama't sabay-sabay na ginagawa ang mga buong kabanata. Ang mga gumaganap sa Adventure Time ay sama-samang nagrerekord ng kanilang mga linya, di-gaya ng iba't-ibang sesyon ng rekording sa bawat aktor na nagbibigay-tinig, at regular ding kumukuha ang serye ng mga panauhing aktor at aktres para sa mga munti at bumabalik na mga tauhan. Bawat kabanata sa Adventure Time ay mga labing-isang minuto ang haba; madalas ay pares ng mga kabanata ang ipinalalabas upang mapunan ang nakalaan sa kanilang kalahating-oras.

Nakatapos na ang serye ng limang kapanahunan o season, kasalukuyang nasa ikaanim nito, at nakatakdang magkaroon ng ikapito. Mula noong ito'y nag-umpisa, naging matagumpay sa ratings ang Adventure Time. Mula Marso 2013, tinatayang nasa 2 hanggang 3 milyong manonood bawat linggo ang nakatutok sa palabas. Nakatanggap din ng mga positibong puna ang palabas mula sa mga kritiko at nagkaroon ng mga masugid na tagasunod ng mga kabataan at matatanda, na karamihan sa kanila'y nahikayat dahil sa animasyon ng serye, sa kuwento, at sa mga tauhan. Nagwagi na ang Adventure Time ng dalawang Annie Awards sa labing-apat na nominasyon nito, dalawang Primetime Emmy Awards sa pitong nominasyon nito, dalawang British Academy Children's Awards, at isang Motion Picture Sound Editors Award. Nanomina na rin ang serye para sa tatlong Critics' Choice Television Awards, at isang Sundance Film Festival Award, kasama ng iba pa. Ang bersiyong aklat-komiks nito'y nagwagi ng isang Eisner Award at dalawang Harvey Awards. Dagdag dito, nakapagprodyus na rin ang serye ng maraming mga damit at iba pang mga gamit, mga larong bidyo, mga aklat-komiks, at mga natitipong DVD (DVD compilations).

Sa Pilipinas, ang Adventure Time ay ipinapalabas sa cable channel na Cartoon Network at sa lokal na channel na TV5.

Mga Pangunahing Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Finn ang Tao (Finn the Human) - Si Finn ay isang 14 na taong gulang na bata na walang ginawa kundi mag lakbay (adventure) at maging bayani. Ang kanyang kasalukuyang inspirasyon ay si Flame Princess na ipinakita sa seryeng "Incendium", "Hot to The Touch", at "Burning Low".
  • Jake ang Aso (Jake the Dog) - Si Jake ay isang 28 na taong gulang na aso na may kakaibang kapangyarihan na puwede siyang mag-iba ng porma o hugis. Ang kanyang karelasiyon ay si Lady Rainicorn, isang rainicorn na puwedeng magbalatkayo (camouflage) at dumaan sa mga pader o ano mang harang.

Hindi lang sa Cartoon Network ipinapalabas ang Adventure Time. Ipinapalabas din ito sa ibang bansa sa Free TV

Country Channel
Alemanya Alemanya Cartoon Network
kabel eins
 Pilipinas Cartoon Network
TV5
 Australia Cartoon Network
GO!
Espanya Espanya Cartoon Network
Boing!
 Ecuador Cartoon Network
Gama TV
 Mehiko Cartoon Network
Canal 5
 Canada Cartoon Network
Teletoon
 Rusya Cartoon Network
2x2
 Italya Cartoon Network
Boing!
 Israel Arutz HaYeladim
 Nicaragua Cartoon Network
Canal 13
 Venezuela Televen
 Peru Frecuencia Latina

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Adventure Time". Frederator Studios. Nakuha noong Mayo 15, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)