Albert Schweitzer

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Albert Schweitzer.

Si Albert Schweitzer (14 Enero 1875 – 4 Setyembre 1965) ay isang Pranses-Alemang pilosopo, musiko, misyonerong duktor, at guro.[1]

Talambuhay[baguhin]

Ipinanganak siya sa Alsace na dating bahagi ng Alemanya ngunit kasulukuyang nasa Pransiya. Naging propesor siya ng teolohiya at manunulat ng mga pangkristiyanong mga aklat. Naging organista rin siya.[1]

Noong 1905, nilisan niya ang kanyang gawain sa pamantasan upang maging isang manggagamot. Pagkaraan, naglakbay siyang kasama ang kanyang asawa patungo sa Kanlurang Aprika upang magtatag ng isang ospital sa Lambarene ng Gabon. Sa panaho ng Unang Digmaang Pandaigdig, nawasak ang kanyang ospital subalit muli niyang itong itinayo. Sa isang kalapit na pook ng ospital, nagtayo siya ng isang kolonya ng mga ketongin.[1]

Pinagkalooban siya ng Gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan noong 1952. Namatay siya habang nasa Lambarene noong 1965.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp.. (1985). "Albert Schweitzer". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 71.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.