Alkemilya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Alkemilya
Alchemilla vulgaris
Kauriang pang-agham
Kaharian: Plantae
Dibisyon: Magnoliophyta
Klase: Magnoliopsida
Orden: Rosales
Pamilya: Rosaceae
Subpamilya: Rosoideae
Tribo: Potentilleae
Sari: Alchemilla
L. (1753)
Type species
A. vulgaris
Mga uri

Nasa teksto.

Mga kasingkahulugan

Alchimilla P. Miller, 1754
Lachemilla (Focke) Rydb.
Zygalchemilla Rydb.
Batayan: ITIS,[1] GRIN, [2] AFPD,[3] FOC[4]

Tungkol ito sa isang halaman. Huwag itong ikalito sa alkimiya.

Ang alkemilya o Alchemilla ay isang sari ng mga yerba halamang perenyal na nasa Rosaceae, at isang bantog na halamang-damong may karaniwang tawag na Lady's mantle sa Ingles, ang lambong ng babae ("kapa ng binibini" o "mantilya ng ginang"). Mayroon itong mga 300 na uri, katutubo ang karamihan sa mga malalamig at sub-artikong rehiyon ng Europa at Asya, ngunit may ilang uri ring likas sa mga bulubundukin ng Aprika, Hilagang Amerika, at Timog Amerika. Karamihan sa mga uri nito ang bumubuo ng mga kumpol na may mga dahong sumisibol sa mga makakahoy na bahagi. May ilang uring may mga dahong may lobo na yumayabong mula sa isang pook o tuldok na pinagmumulan. May ilan namang mga uring nagkakaroon ng mga tila pamaypay na mga dahong may mga maliliit na ngipin sa mga dulo. Kalimitan nababalutan ng mga malalambot na mga buhok ang mga dahong abuhing-lunti o lunti lamang na humahawak ng mga patak ng tubig sa ibabaw at sa kahabaan ng mga tagiliran. Maliliit ang mga bulaklak nitong walang talulot at nagkukumpul-kumpol tuwing tag-sibol at tag-init.[5]

Mga uri[baguhin | baguhin ang batayan]

Ilan lamang ito sa mga uri ng alkemilya:

  • Alchemilla abyssinica Fresen.
  • Alchemilla alpina L. -- alpinong lambong ng babae
  • Alchemilla argyrophylla Oliv.
  • Alchemilla conjuncta Bab.
  • Alchemilla ellenbeckii Engl.
  • Alchemilla filicaulis Buser—lambong ng babaeng may manipis na sanga
  • Alchemilla glabra Neygenf. -- makinis na lambong ng babae
  • Alchemilla glaucescens Wallr. -- mapagkit na lambong ng babae
  • Alchemilla glomerulans Buser—nakakumpol na mga lambong ng babae
  • Alchemilla gracilis Engl.
  • Alchemilla japonica Nakai & H. Hara
  • Alchemilla johnstonii Oliv.
  • Alchemilla lapeyrousii Buser—lambong ng babae ni Lapeyrous
  • Alchemilla mollis (Buser) Rothm.
  • Alchemilla monticola Opiz—mabuhok na lambong ng babae
  • Alchemilla orbiculata Ruiz & Pav.
  • Alchemilla sericata Rchb.
  • Alchemilla splendens Christ ex Favrat
  • Alchemilla subcrenata Buser—lambong ng babaeng may malapad na ngipin
  • Alchemilla stuhlmanii
  • Alchemilla subcrenata
  • Alchemilla subnivalis Baker f.
  • Alchemilla triphylla Rothm.
  • Alchemilla venosa Buser—boreal na lambong ng babae
  • Alchemilla vulgaris L.
  • Alchemilla wichurae (Buser) Stefanss. -- lambong ng babaeng pangdamuhang-lupa
  • Alchemilla xanthochlora Rothm.


Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Larawan ng Alchemilla vulgaris mula 1917–1926
  1. Alchemilla L. (TSN 184563). Integrated Taxonomic Information System. Hinango noong 17 Mayo 2008.
  2. Germplasm Resources Information Network (GRIN) (2008-03-03). "Genus: Alchemilla L." (HTML). Taxonomy for Plants. USDA, ARS, National Genetic Resources Program, National Germplasm Resources Laboratory, Beltsville, Maryland. http://www.ars-grin.gov/cgi-bin/npgs/html/genus.pl?361. Hinango noong 2008-05-17. 
  3. "Alchemilla L." (HTML). African Plants Database. South African National Biodiversity Institute, the Conservatoire et Jardin botaniques de la Ville de Genève and Tela Botanica. http://www.ville-ge.ch/cjb/bd/africa/genre.php?langue=an&id=3452. Hinango noong 2008-05-17. 
  4. "46. ALCHEMILLA Linnaeus". Flora of China (efloras) 9: 388. 
  5. Hawke, Richard G.. "An Evaluation Study of Alchemilla" (HTML). Plant Evaluation Notes. Chicago Botanic Garden. http://www.chicago-botanic.org/downloads/planteval_notes/no24_alchemilla.pdf. Hinango noong 2008-05-17. 


Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]