Alpha Centauri Bb

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Impresyon ng ESO sa planetang Alpha Centauri Bb

Ang Alpha Centauri Bb ay isang planetang ekstrasolar na umiinog sa Alpha Centauri B, isang bituing may uring K, na tinatayang makikita sa 4.37 sinag-taon mula sa Mundo sa katimugang konstelasyon ng Centaurus.[1] Ito na ang pinakamalapit na natagpuang planetang ekstrasolar mula sa Mundo, at ang pinakamagaang na planeta na kasalukuyang umiinog sa isang bituing katulad ng Araw[2]. Nakatangap ng malawakang kuryosidad sa midya ang paganunsyo sa pagkakatuklas ng planetang ito noong Oktubre 2012, at nakikitang isang malaking tagumpay sa paghahalughog ng mga planetang ekstrasolar ang pagkadiskubre sa planetang ito.[3][4][5][6]

Talababa[baguhin]