Alpha Centauri

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Impresyon ng planeta na pumapalibot sa Alpha Centauri B

Ang Alpha Centauri (α Centauri, α Cen; kilala rin sa tawag na Rigel Kent /ˈrəl ˈkɛnt/) ay ang pinakamaliwanag na bituin sa katimugang konstelasyon ng Centaurus, at ang pangatlong pinakamaliwanag na bituin sa panggabing langit.[1][2] Makikita ang sistema ng Alpha Centauri sa 1.34 parsec o 4.37 sinag-taon mula sa Araw, kaya ito naging pinakamalapit na sistemang bituin sa Sistemang Solar.[3] Bagamat nakikita ito ng mga matang walang instrumento bilang isang bituin, sa katotohanan, ang Alpha Centauri ay isang sistemang dalawahang bituin (na may designasyong Alpha Centauri AB o α Cen AB) na kung saan ang kanilang pinagsamang nakikitang magnityud na −0.27 ay nakatulong upang maging pangatlong pinakamaliwanag na bituin na nakikita sa Mundo pagkatapos ng magnityud na −1.46 ng Sirius at magnityud na −0.72 ng Canopus.

Talababa[baguhin]

  1. Our Local Galactic Neighborhood, NASA
  2. Into the Interstellar Void, Centauri Dreams
  3. Söderhjelm, Staffan (1999). "Visual binary orbits and masses post Hipparcos". Astronomy and Astrophysics 341 (1): 121–40. Bibcode 1999A&A...341..121S. 

Koordinato: Mapang panlangit 14h 39m 36.4951s, −60° 50′ 02.308″


Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.