Antartiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mapa ng mundo na pinapakita ang lokasyon ng Antartiko.
Isang satellite composite image ng Antartiko.

Ang Antartiko[1] (Ingles: Antarctica, mula Griyego Ανταρκτική, salungat ng Artiko) ay isang kontinente na pinapalibutan ng Katimugang Dulo ng Daigdig. Ito ang pinakamalamig na lugar sa daigdig at halos natatakluban ng yelo ang kabuuan nito. Hindi dapat ipagkamali sa Artiko, na matatagpuan sa salungat na bahagi ng planeta na malapit sa Hilagang Dulo ng Mundo.

Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga alamat at hinala tungkol sa isang Terra Australis ("Katimugang Lupain"), naganap noong 1820 ang unang karaniwang tinatanggap na pagkita ng kontinente at noong 1821 ang unang napatunayang paglapag ng isang Rusong ekspedisyon nina Mikhail Lazarev at Fabian Gottlieb von Bellingshausen. Gayon man, isang mapa ni Admiral Piri Reis noong 1513 ang naglalaman ng isang katimugang kontinente na mayroong posibleng pagkahawig sa pampang ng Antarctica. (Tingnan din Kasaysayan ng Antarctica.)

Sa lawak na 13,200,000 km², panglimang pinakamalaking kontinente ang Antartiko, pagkatapos ng Eurasya, Aprika, Hilagang Amerika, at Timog Amerika. Gayon man, ito ang may pinakamaliit na populasyon: tunay nga, wala itong pampalagiang populasyon. Ito rin ang kontinente na may pinakamataas na karaniwang altitud, at ang may pinakamababang humedad sa mga kontinente ng Daigdig, gayon din ang pinakamababang karaniwang temperatura.

Itinakda ang .aq Internet ccTLD na code.


Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]