Pumunta sa nilalaman

Araling panlipunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa kurikulum ng maraming bansa, ang pag-aaral sa lipunan ay ang pinagsamang pag-aaral ng humanidades, sining, at agham panlipunan, pangunahin na kabilang ang kasaysayan, ekonomiya, at sibika. Unang nalikha ang katawagan ng mga tagapagturong Amerikanong noong pagtatapos ng ikadalawampu dantaon upang sakupin lahat ang mga paksang ito, pati na rin ang iba na hindi umaangkop sa mga modelo ng mas mababang edukasyon sa Estados Unidos tulad ng pilosopiya at sikolohiya.[1] Isa sa mga layunin ng araling panlipunan, lalo na sa antas ng mas mataas na edukasyon, ay para pagsamahin ang ilang mga disiplina, kasama ang kanilang mga natatanging pamamaraan at mga natatanging tuon ng konsentrasyon, sa isang magkakaugnay na larangan ng mga paksa na nakikiniig sa isa't isa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iba't ibang mga "kagamitang" akademiko at mga pananaw para sa mas malalim na pagsusuri ng mga problema at isyu sa lipunan.[2] Nilalayon ng araling panlipunan na sanayin ang mga mag-aaral para sa matalino, responsableng pakikilahok sa isang magkakaibang demokratikong lipunan. Nagbibigay ang nilalaman ng mga araling panlipunan ng kinakailangang kaalamang pangkalahatan upang makabuo ng mga halaga at makatwirang opinyon, at kakahayahang sibiko ang layunin ng larangan.[3] Ang katawagang kaugnay ay humanidades, sining, at mga agham panlipunan.

Ang Human Society and Its Environment (HSIE) ay isang katulad na katawagan na ginamit sa sistema ng edukasyon ng estado ng Australya na New South Wales.[4]

Mga larangan ng asignatura

Ang araling panlipunan ay hindi isang asignatura, sa halip, gumaganap ito bilang isang larangan ng pag-aaral na nagsasama ng maraming iba't ibang mga paksa. Pangunahin dito ang mga paksa ng kasaysayan, ekonomiya, at sibika. Sa pamamagitan ng lahat ng iyon, isinasama ang mga elemento ng heograpiya, sosyolohiya, etika, sikolohiya, pilosopiya, antropolohiya, sining at panitikan sa mismong larangan ng asignatura. Ang mismong larangan ng pag-aaral ay nakatuon sa tao at sa kani-kanilang relasyon. Sa pamamagitan nito, marami sa mga paksang ito ang nagsasama ng ilang uri ng kagamitang panlipunan na kapaki-pakinabang sa mismong larangan ng asignatura.[5] Bihirang ituro ang buong larangan; kadalasan, tinuturo ang ilang mga paksang pinagsama. Posible nabawasan ang kahalagahan ng kasaysayan, maliban sa kasaysayan ng Estados Unidos, sa pagkilala sa larangan.[6] Noong una, ang Kasaysayan at Sibika lamang ang mahahalagang bahagi ng kurikulum sa mataas na paaralan; sa kalaunan, naging isang makabuluhang din na bahagi ng kurikulum ang Ekonomika ng mataas na paaralan. Habang naitatag ang Kasaysayan at Sibika, mas bago ang kahalagahan ng Ekonomika sa kurikulum ng mataas na paaralan. Ang Kasaysayan at Sibika ay magkatulad sa maraming paraan, kahit na magkaiba sila sa aktibidad ng klase.[7] Nagkaroon ng ilang dibisyon sa pagitan ng mga iskolar sa paksa ng pagsasama-sama ng mga asignatura, kahit na napagkasunduan na ang paglalahad ng buong larawan ng mundo sa mga mag-aaral ay lubhang mahalaga.[8]

Antas ng kolehiyo

Ang araling panlipunan bilang isang major o konsentrasyon sa kolehiyo ay nananatiling hindi pangkaraniwan, bagaman, inaalok ang naturang kurso sa Pamantasang Harvard.[9][10] Unang ipinakilala ng Harvard ang araling panlipunan bilang isang pormal na larangan ng pag-aaral noong 1960, sa pamamagitan ng gawain ng isang komite na pinamumunuan ni Stanley Hoffman,[11] at ngayon ay kilala bilang Committee on Degrees in Social Studies. Ang tagapamahala ng mga pondong pinagsama-sam na si Bill Ackman,[12] ang gitarista na si Tom Morello,[13] at ang direktor ng teatro na si Diana Paulus [14] ay nakakonsentra lahat sa araling panlipunan noong panahon nila sa Harvard.

Mga sanggunian

  1. David Warren Saxe. "On the Alleged Demise of Social Studies: The Eclectic Curriculum in times of Standardization—A Historical Sketch" (PDF) (sa wikang Ingles). Eric.ed.gov. Nakuha noong Enero 20, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "A Brief History". socialstudies.fas.harvard.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Larson, Bruce, E. (2017). Instructional Strategies for Middle and High School Social Studies, Second Edition (sa wikang Ingles). New York, NY: Routledge. ISBN 978-1-138-84677-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. "Human Society and its Environment (HSIE) in Kindergarten to Year 10". NSW Education Standards Authority (sa wikang Ingles).
  5. "Chapter 5: History among the Social Studies | AHA". www.historians.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-05. Nakuha noong 2021-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The teaching of social studies including history". Library of Congress, Washington, D.C. 20540 USA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Courses of study in history and social science, years VII-XII". Library of Congress, Washington, D.C. 20540 USA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The world we live in, an introduction to the social studies for the intermediate grades, by Louis Weinberg, Zenos E. Scott, and Evelyn T. Holston". Library of Congress, Washington, D.C. 20540 USA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "The Committee on Degrees in Social Studies". socialstudies.fas.harvard.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Social Studies and Embracing Uncertainty | Opinion | The Harvard Crimson". www.thecrimson.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "A Brief History". socialstudies.fas.harvard.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. West, Melanie Grayce (2014-04-14). "Donor of the Day: Giving for Learning—And for Rowing". Wall Street Journal (sa wikang Ingles). ISSN 0099-9660. Nakuha noong 2024-01-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Greenwood, Koltan (2020-06-09). "Tom Morello reminds the internet he's more than qualified to talk politics". Alternative Press Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Arts/Entertainment". socialstudies.fas.harvard.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)