Arc de Triomphe

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Arc de Triomphe sa gabi.

Ang Arc de Triomphe (tinatayang bigkas: AK-de-twi-yomf;[1] Pranses ng "Arko ng Tagumpay") ay isa sa mga pinakabantog na monumento sa Paris. Ito ay nakatayo sa gitna ng Plasa ng Charles de Gaulle (na dating tinatawag na Place de l'Étoile; bigkas: PLAZ-de-lit-wal; "Plasa ng Bituwin"), sa kanlurang dulo ng Champs-Élysées.[2] May mas maliit na arko, ang Arc de Triomphe de Carrousel, na matatagpuan sa bandang kanluran ng Louvre. Ang Arc de Triomphe ay nagbibigay-karangalan sa lumaban at namatay para sa Pransiya noong Rebolusyong Pranses at sa Mga Digmaang Napolyoniko, at ang mga pangalan ng mga nanalo at mga heneral doon ay nakaukit sa loob at labas na bahagi ng mga haligi nito. Sa ilalim nito nakahimlay ang Tomb of the Unknown Solier mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Tignan din[baguhin]

Mga Kawing Panlabas[baguhin]

Talasanggunian[baguhin]

  1. http://translate.google.com/#en%7Cfr%7CArch%20of%20Triumph
  2. Tinatawag na étoile ("bituwin") dahil sa dalawampung abenida na umuusbong mula rito.



Pransiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.