Arthur Conan Doyle

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Arthur Conan Doyle noong 1912.

Si Sir Arthur Ignatius Conan Doyle DL (22 Mayo 1859 – 7 Hulyo 1930[1]) ay isang manggamot at manunulat na Eskoses na pinaka natatangi dahil sa kaniyang mga kuwentong likhang-isip hinggil sa tiktik na si Sherlock Holmes, na pangkalahatang isinasaalang-alang bilang mga mahahalagang tanda ng pagbabago sa larangan ng kathang-isip na kuwento hinggil sa krimen. Nakikilala rin siya dahil sa pagsulat ng mga pakikipagsapalarang kathang-isip ng isa pang tauhang inimbento niya, na si Professor Challenger. Isa siyang prolipikong manunulat na ang iba pang mga akda ay kinabibilangan ng mga kuwento ng pantasya, likhang-isip na agham, mga dula, mga romansa, panulaan, hindi kathang-isip, at mga nobelang pangkasaysayan.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Conan Doyle Dead From Heart Attack", New York Times, 8 Hulyo 1930. Nakuha noong 4 Nobyembre 2010.


TalambuhayPanitikanEskosya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Eskosya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.