Bagtingan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bagtingan
Larynx external en.svg
Anatomiya ng kahon ng tinig, tanawing anterolateral
Larynx endo 2.jpg
Endoskopikong larawan ng isang pantaong kahon ng tinig

Ang bagtingan, kahon ng tinig o kahong pantinig (Ingles: larynx kapag isahan, na nagiging larynges kapag maramihan; tinatawag ding voice box), na tinatawag ding kahon ng babagtingan o "kahon ng gulung-gulungan" (bagaman mayroon pang ibang kahulugan ang salitang gulung-gulungan; sa diwang ito ang gulung-gulungan ay nangangahulugang "gulungan" ng tinig), ay isang organo na nasa loob ng leeg ng mga ampibyano, mga reptilya, at mga mamalya (kabilang ang mga tao) na kasangkot sa paghinga, paggawa ng tunog, panananggalang ng trakeyang pangbertebrado laban sa aspirasyon o pagkasamid (mahirinan ng pagkain). Namamanipula o napapamahalaan nito ang tinis (pitch sa musika) at bolyum (presyon ng tunog). Nakapaloob sa kahong pangtinig ang mga kalupiang pangtinig (na hindi naaangkop na natatawag bilang mga "kuwerdas na pangtinig"), na mahalaga para sa ponasyon. Nakalagak ang mga kalupiang pangtinig sa ibabaw lamang kung saan ang pitak ng pharynx ay nahahati upang maging trakeya at lalanga (esopago).

Mga sanggunian[baguhin]


Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.