Pumunta sa nilalaman

Bagyong Hanna (2015)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
 Bagyong Hanna (Soudelor) 
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 5 (Saffir–Simpson)
Kalakasan ni Bagyong Hanna (Soudelor) noong 4 Agosto
Nabuo29 Hulyo 2015
Nalusaw11 Agosto 2015
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 215 km/h (130 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 285 km/h (180 mph)
Pinakamababang presyur900 hPa (mbar); 26.58 inHg
Namatay29 tiyak, 9 nawawala
Napinsala≥ $1.38 bilyon (2015 USD)
ApektadoKapuluang Mariana, Hapon, Taiwan, Tsina, Korea
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2015

Si Bagyong Hanna, tinawag na Bagyong Soudelor sa labas ng Pilipinas, ay isang namuong sama ng panahon na tumama sa Taiwan at silangang Tsina at kumakailang pinakamalakas na bagyo sa hilagang hemispero sa 2015 at tumama rin sa Kapuluang Mariana.

Ang ika-13 pinangalanang bagyo sa Pasipiko ng 2015, si Hanna ay namuo malapit sa Pohnpei noong Hulyo 29. Dahan-dahan muna itong lumakas bago ito

Itinuturing si Hanna na pinakamatinding bagyong tumama sa Saipan sa loob ng 30 taon. Daan-daang kabahayan ang nasira o nawasak at tinatayang aabutin ng isang buwan bago maibalik ang suplay ng kuryente. Sa Taiwan, ang mga pagbuhos ng ulan at lakas ng hangin ay nagdulot ng pagkasira at pagkaputol ng kuryente. Aabot sa 4.85 milyong kabahayan ang nawalan ng kuryente, ang pinakamarami sa kasaysayan. Hindi bababa sa 8 ang namatay at 420 ang nasugatan sa Taiwan. Nakaranas din ng pinakamaraming ulan sa loob 100 taon ang ilang bahagi ng silangang Tsina na nagdulot naman ng mga nakamamatay na pagbaha at pagguho ng lupa. Hindi bababa sa 21 ang namatay sa Tsina at aabot sa may kabuuang halaga ng 8 bilyon yuan (US$1.31 bilyon) ang naging pinsala sa ekonomiya.

Sinundan:
Goring
Pacific typhoon season names
Soudelor
Susunod:
Ineng