Balisong
Ang balisong (Ingles: fan knife, butterfly knife, Batangas knife), na tinatawag ding Bente Nueve, ay isang patalim na natitiklop mula sa Pilipinas. Ang kanyang mga natatanging katangian ay dalawang puluhang umiikot kontra sa isa't isa sa talasok anupat, habang nakasara, nakatago ang talim sa loob ng mga uka sa mga puluhan. Kadalasan, ang tarangka ng balisong ay nasa puluhang nakaharap sa talim, at karaniwang itong tinatawagang bite handle.[1]
Karaniwang ginagamit noon ang balisong ng mga Pilipino, lalo ng mga nakatira sa Katagalugan, bilang pantanggol sa sarili at sa mga layuning praktikal. Ginamit din ang mga balisong na hollow-ground bilang labaha bago dumating ang mga pangkaraniwang pang-ahit sa Pilipinas. Sa mga kamay ng isang taong sanay, mailalabas agad ang patalim gamit ang isang kamay. Pinagmamaniobrahan ito (kilala bilang "flipping") para sa sining o paglilibang. Ibinebenta ang mga mapupurol na uri ng mga ganitong patalim, na tinatawagang "trainers" (pampasanay) upang makapag-ensayo nang walang panganib ng pinsala.
Sa kasalukuyan, ipinagbabawal o nilimitahan ang patalim sa mga iilang bansa, madalas sa ilalim ng mga parehong batas at dahilan kung bakit nililimitahan ang mga switchblade o nakatagong sandata, at hindi na sila karaniwan sa mga lungsod tulad ng dati.[2]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmumula ang katagang "balisong" mula sa barangay Balisong, isang bahagi ng bayan ng Taal, lalawigan ng Batangas, kung saan kasabay ng karatig na barangay Pandayan, ay ang mga orihinal na sentrong pagawaan ng mga patalim sa Pilipinas. Ang dalawang barangay ay naging tahanan sa industriya ng pagpapanday na gumagawa rin ng mga ibang patalim tulad ng mga bolo.[3][4][5] Inaangkin din na ang kahulugan ng katagang "balisong" ay nagmumula sa mga salitang Tagalog na "baling" at "sungay" dahil ayon sa kaugalian, ang puluhan ay gawa sa inukit na sungay ng kalabaw o usa, pati buto.[6][7] Kilala rin ang tradisyonal na balisong bilang bente nueve sa Pilipinas dahil 29 cm (11 in) ang haba nito habang nakabuka.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Balisong and Butterfly knife tricks and techniques for beginners". KnifeDude (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-25. Nakuha noong 2019-10-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "legal possession". www.butterflyknifebutterflyknife.com. Nakuha noong 2019-10-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Rivera, D. J. (Agosto 27, 2017). "BATANGAS | Balisong: Few Things About this Famous Knife from Taal". Pinoy Travelogue | A Philippine travel blog by DJ Rivera. Nakuha noong 2019-10-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 'The Making of the Batangas (Balisong) Knife' by Dr Jopet Laraya
- ↑ "Balisong". Taal Heritage Town. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 13, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Imada, Jeff (1984), The Balisong Manual, California: Unique Publications, p. 130, ISBN 0-86568-102-3
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shelley Anne Martinez (Nobyembre 15, 2015). "Balisong Art by Master Ona". Journey Under Blue Skies. Nakuha noong 7 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.