Ban Ki-moon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Ban.
Ban Ki-moon
반기문
Bankimoon07052007.jpg

Kasalukuyan
Panunungkulan
1 Enero 2007
Sinundan si Kofi Annan

Kapanganakan 13 Hunyo 1944 (1944-06-13) (70 taong gulang)[1]
Eumseong County, Chungcheongbuk-do, Koreang Hapones
Kabansaan Timog Korea
Asawa Yoo Soon-taek
Alma mater Pambansang Pamantasan ng Seoul
Relihiyon pribado[2]

[3]

Pangalang Koreano
Hangul 반기문
Hanja 潘基文
Bagong Romanisasyon Ban Gimun
McCune-Reischauer Pan Ki-mun
bigkas [panɡimun]

Si Ban Ki-moon (Hangul: 반기문; ipinanganak noong 13 Hunyo 1944) ay ang pangwalo at pangkasalukuyang Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang mga Bansa.

Bago naging Kalihim-Panlahat, si Ban ay naging diplomat ng Ministry of Foreign Affairs ng Timog Korea at sa Nagkakaisang Bansa. Tumuloy siya sa serbisyong diplomatiko sa taon ng kanyang pagtapos sa kolehiyo. Ang kanyang unang puwesto ay sa New Delhi. Pinamalas niya ang kakayahan sa pambanyagang minesteryo.

Si Ban ang Ministrong Pambanyaga ng Republika ng Korea mula Enero 2004 hanggang Nobyembre 2006. Noong Pebrero 2006 ay nagsimula siyang mangampanya para sa puwesto ng Kalihim-Panlahat. Hindi inaasahang makuha ni Ban ang puwesto. Subalit dahil sa kanyang pagigiging pambanyagang ministro ng Korea, nagawa niyang maglakbay sa iba't-ibang mga bansang miyembro ng Konsehong Pang-seguridad ng Nagkakaisang mga Bansa, isang taktika na tumulong sa kanyang kampanya.

Noong 13 Oktubre 2006, hinalal siya bilang pang-walong Kalihim-Panglahat ng Panglahat na Asemblea ng Nagkakaisang mga Bansa. Noong 1 Enero 2007, siya ang pumalit kay Kofi Annan, at nagpasagawa ng mga mahahalagang reporma sa pananatili ng kapayapaan at mga kagawain sa pagbibigay ng hanapbuhay ng Nagkakaisang mga Bansa. Si Ban ay pinahahalagahan ang pandaigdigang pag-init at paulit-ulit na pinababatid ito sa Pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush. Tumulong rin siya sa Kaguluhan sa Darfur, kung saan hinikayat niya si Omar al-Bashir, Pangulo ng Sudan, na payagang pumasok ang mga tropa para sa pananatili ng kapayapaan sa Sudan.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Panlabas na Kawing[baguhin | baguhin ang batayan]

Tuklasin ang iba pa hinggil sa Ban Ki-moon mula sa mga kapatid na proyekto ng Wikipedia:
Wiktionary-logo-en.svg Kahulugang pangtalahuluganan
Wikibooks-logo.svg Mga araling-aklat
Wikiquote-logo.svg Mga siping pambanggit
Wikisource-logo.svg Mga tekstong sanggunian
Commons-logo.svg Mga larawan at midya
Wikinews-logo.svg Mga salaysaying pambalita
Wikiversity-logo-en.svg Mga sangguniang pampagkatuto