Beelzebub (manga)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Padron:Merge from

Beelzebub
Genre Aksiyon, Komedya
Manga
Tagalikha Ryūhei Tamura
Tagalathala Shueisha
Magasin Weekly Shōnen Jump
Orihinal na Pagpapalabas Pebrero 2009 – ipinagpapatuloy
Bolyum 10 (Talaan ng mga bolyum)
Orihinal na animasyong bidyo
Direktor Noubuhiro Takamoto
Studyo Pierrot+
Inilabas noong October 23, 2010
Oras ng pagpapalabas 34 minuto
Telebisyong Anime
Direktor Noubuhiro Takamoto
Studyo Pierrot+
Istasyon Yomiuri TV
Orihinal na Pagpapalabas 9 Enero 2011 – ongoing
Ang Portada ng Anime at Manga

Ang Beelzebub (べるぜバブ Beruzebabu?) ay isang manga (komiks ng Hapon) na isinulat at iginuhit ni Ryūhei Tamura na inilathala nang baha-bahagi sa magasing Weekly Shōnen Jump ng Shueisha. Ito ay unang inilathala nang isang bagsakan ni Tamura sa 2008 Weekly Shōnen Jump mula sa ika-37 hanggang sa ika-38 na tomo, kung saan ito ay nanalo sa ikaapat na Gold Future Cup.[1] Ito ay inilathala nang baha-bahagi sa kaparehong magasin sa simula ng ika-13 na tomo noong 2009. Isang OVA na gawa ng Studio Pierrot ay ipinalabas sa Jump Super Anime Tour noong Oktubre 2010, kasunod ng TV anime series na sinimulang ipalabas sa bansang Hapon noong ikasiyam na Enero 2011.

Kuwento[baguhin]

Ang kuwento ay tungkol sa "pinakamalakas na batang pabaya", si Oga Tatsumi na nag-aaral sa kaniyang unang taon sa Paaralang Sekondarya ng Ishiyama, kung saan nag-aaral ang mga katulad niyang pabaya. Nagsimula ang lahat sa pagkukuwento niya kay Furuichi Takayuki, kaniyang matalik na kaibigan, kung papaano niya natagpuan ang isang sanggol. Isang araw, habang naglalaba sa tabi ng ilog (na sa totoo lang ay paghihiganti sa mga taong pinagtangkaan siyang patayin habang natutulog), nakakita si Oga ng taong lumulutang sa ilog. Hinila niya ito sa pampang at nahati ito sa dalawa na may laman na isang lalaking sanggol. Ang sanggol ay ang anak ng dakilang hari ng mga demonyo at napili si Oga na palakihin ito kasama ng katulong na si Hilda. Tumatakbo ang istorya tungkol sa buhay niya kasama ang sanggol, at sa buhay niya sa paaralan ng mga pabaya. Sa mga unang kabanata ng manga, binabalak ni Oga na ibigay si Baby Beel sa ibang estudyante sa Ishiyama (ang teorya ay kapag nakahanap siya ng taong mas masama at mas malakas sa kaniya, iiwanan ni Baby Beel si Oga para sa taong ito).

Media[baguhin]

Manga[baguhin]

Ang manga series ng Beelzebub ay isinulat at iginuhit ni Ryūhei Tamura. Ang unang kabanata nito ay nailathala noong Pebrero 2009 sa isang isyu ng Weekly Shōnen Jump ng Shueisha, at ang mga kasunod na kabanata ay inilabas nang baha-bahagi linggo-linggo. Inilabas ng Shueisha ang unang tomo ng tankōbon noong ikalawa ng Hulyo 2009. Mayroon na itong labing-isang tomo sa pagsapit ng ikalawa ng Mayo 2011..[2]

Anime[baguhin]

Ang TV anime ay unang ipinalabas noong ikasiyam ng Enero 2011 sa Yomiuri TV at iba pang estasyon ng NNS. Sabay na ipapalabas ng Crunchyroll ang serye sa Hilagang Amerika at Europa dalawang oras matapos itong iere..[3] Subalit, may ilang episodyo ang ipinagpaliban matapos ang 2011 Tōhoku earthquake and tsunami.[4] Ang TV series ay gumamit ng apat na piyesa ng paksang musikal, dalawang panimula at dalawang pangwakas. Ang unang temang panimula na ginamit mula sa episodyo 1 hanggang 10 ay "DaDaDa" (だだだ?) na inawit ng Group Tamashii, habang ang ikalawang temang panimula na ginamit mula sa episodyo 11 ay "The First Goodbye" (始まるのは, サヨナラ Hajimaru no wa, Sayonara?) na inawit ng On/Off. Ang unang temang pangwakas na ginamit mula sa episodyo 1 hanggang 10 ay "Answer" ng no3b, habang ang ikalawang temang pangwakas na ginamit mula episodyo 11 ay "Show of Courage" (つよがり Tsuyogari?) na inawit ni Shoko Nakagawa.

Talababa[baguhin]


Mga kawing panlabas[baguhin]