Benazir Bhutto
Benazir Bhutto | |
---|---|
Kapanganakan | 21 Hunyo 1953[1]
|
Kamatayan | 27 Disyembre 2007[2]
|
Mamamayan | Pakistan[3] |
Nagtapos | Harvard University |
Trabaho | politiko |
Asawa | Asif Ali Zardari |
Pirma | |
Si Benazir Bhutto Shaheed (Sindhi:بينظير ڀٽو; Urdu: بے نظیر بھٹو, IPA:beːnəˈziːr ˈbʱʊʈʈoː; 21 Hunyo, 1953 – 27 Disyembre, 2007) ay isang politiko sa Pakistan na pinamunuan ang Pakistan Peoples Party (PPP) (Urdu: پاکستان پیپلز پارٹی Tagalog:Partido ng mga Tao sa Pakistan), isang gitnang-kaliwang partido pampolitika sa Pakistan na kasapi ng Socialist International (Sosyalistang Internasyunal). Si Bhutto ang unang babaeng nahalal bilang isang pinuno ng isang estadong Muslim, na nahalal ng dalawang beses bilang Punong Ministro ng Pakistan. Naluklok siya sa unang pagkakataon noong 1988 ngunit sa utos ng pangulo noon na si Ghulam Ishaq Khan, natanggal siya pagkatapos ng 20 buwan dahil sa alegasyon ng katiwalian. Nahalal siya muli noong 1993 ngunit tinanggal muli noong 1996 sa kaparehong kaso, si Pangulong Farooq Leghari ang nag-utos sa pagkakataong ito. Pinatapon ang sarili sa Dubai noong 1998, kung saan nanatili siya hanggang bumalik sa Pakistan noong 18 Oktubre, 2007, pagkatapos maabot ang isang kasunduan kay Pangulong Musharraf na binigyan ang isang amnestiya at inuurong lahat ng kasong katiwalian.[4]
Siya ang panganay na anak ng dating punong ministrong Zulfikar Ali Bhutto, isang taga-Pakistan na may lahing Sindhi, at kay Begum Nusrat Bhutto, isang taga Pakistan na may lahing Iran-Kurdish. Si Sir Shah Nawaz Bhutto ang lolo niya sa tatay, na dumating sa Larkana Sindh bago ang paghahati mula sa kanyang likas na bayan ng Bhatto Kalan, na matatagpuan sa Haryana na estado ng India.
Pinaslang siya noong 27 Disyembre, 2007, sa pinagsamang pagbomba at pamamaril noong pagtitipun-tipon pampolitika ng Pakistan Peoples Party sa Liaquat National Bagh sa Rawalpindi.[5] Sinabi ng dating tagapagsalita ng pamahalaan na si Tariq Azim Khan na, bagaman mukhang nabaril siya, hindi malinaw kung sa pamamaril o piraso mula sa bomba ang dahilan ng kanyang mga sugat.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb121195680; hinango: 10 Oktubre 2015.
- ↑ http://www.time.com/time/world/article/0,8599,1698466,00.html.
- ↑ https://libris.kb.se/katalogisering/wt7bgv2f0vphhtw; petsa ng paglalathala: 13 Nobyembre 2012; hinango: 24 Agosto 2018.
- ↑ "Bhutto returns to Pakistan after 8 years". 2007-10-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Benazir Bhutto 'killed in blast'". BBC News. 2007-12-27.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko at Pakistan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.