Biritera

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Biritera
225px
Uri Drama
Gumawa GMA Entertainment TV Group
Nagsaayos Agnes Gagelonia - Uligan
Isinulat ni/nina Glaiza Ramirez
Gilbeys Sardea
Michiko Yamamoto
Direktor Maryo J. de los Reyes
Creative director(s) Jun Lana
Pinangungunahan ni Dennis Trillo
Glaiza de Castro
Angelika dela Cruz
Roseanne Magan
Kompositor ng tema Nonong Pedero
Pambungad na tema "Ang Lahat ng Ito'y Para Sa 'Yo"
inawit ni Roseanne Magan
Bansang pinagmulan Pilipinas
Wika Filipino, Ingles
Paggawa
Gumawang tagapagpaganap Juel Balbon
Nieva M. Sabit
Gumawa Wilma Galvante
Lokasyon Maynila, Pilipinas
Cinematography Vivencio Gonzales, Jr.
Ayos ng kamera Multiple-camera setup
Oras ng pagpapalabas 30–45 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilan GMA Network
Banghay ng larawan 480i NTSC
Orihinal na pagtakbo 6 Pebrero 2012 – 18 Mayo 2012

Ang Biritera ay isang dramang pantelebisyon na may temang kanatahan. Ito ay mula sa konsepto ni Jun Lana, mula sa ilalim ng panulat ni Agnes Gagelonia-Uligan, nilikha at isinahimpapawid ng GMA Network.

Itinatampok sa seryeng ito sina Angelika dela Cruz, Dennis Trillo, Glaiza de Castro at ang baguhang batang mag-aawit na si Roseanne Magan.

Ang kuwento ng serye ay tumatalakay sa buhay ng isang batang pitong taong gulang na nagngangalang Roseanne at ang kanyang pakikipag sapalaran sa mundo ng showbis at paghahanap sa kanyang tunay na pagkatao.

Ang Biritera ay nasa ilalim ng direksiyon ni Maryo J. delos Reyes. Ito ay nagsimula noong 6 Pebrero 2012, pinalitan ang Munting Heredera at 8 Pebrero 2012 sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.[1] Ang seryeng ito naman ay nagwakas noong 18 Mayo 2012, at pinalitan naman ng Luna Blanca sa GMA Telebabad.

Buod[baguhin]

The main cast of Biritera (left-right:Dennis Trillo, Glaiza de Castro, Roseanne Magan, Angelika dela Cruz and Neil Ryan Sese)

Nagsimula ang kuwento nang sumakabilang buhay ang nagrereynang biritera na si Louise May (Jillian Ward). Dahil dito, napilitan ang Manager na si Mr. D (Ryan Eigenmann) na maghanap ng kapalit. Nagsagawa siya ng isang programa na naghahanap para sa mga batang may angking talino sa pag-awit. Sumali si Roseanne (Roseanne Magan) sa patimpalak ngunit siya'y hindi nagwagi. Gumuho ang kanyang pangarap na maging isang sikat na mang-aawit pati na ang pangarap niyang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Si Andrei (Dennis Trillo), ang bokalista ng bandang The Bridge ay nabighani sa angking boses ni Roseanne at agad na nakitaan ng pag-asang sumikat ang bata. "Inaplowd" niya ang bidyo ni Roseanne habang ito'y umaawit sa YouTube. Naging sikat ang bidyo sa mga manonood, na nagdala kay Roseanne sa dagling kasikatan.

Habang tinutupad ni Roseanne ang kanyang pangarap na kasikatan, madidiskubre din niya ang ibang mukha ng mundo na kanyang pinasok, pati na ang misteryo ng kanyang pagkatao.

Mga Tauhan at karakter[baguhin]

Pangunahing Tauhan at Karakter[baguhin]

Mga Suportang tauhan[baguhin]

  • Ryan Eigenmann bilang Dalton "Mr. D" Dimaano †[5]
  • Yul Servo bilang Jerome Macapagal
  • Ces Quesada bilang Simang Kapitolyo
  • Rich Asuncion bilang Josephine "Jo" Abesamis
  • Gwen Zamora bilang Iris
  • Neil Ryan Sese bilang Eric Fuentebella
  • Sweet Ramos bilang Barbie Tamondong
  • Barbara Miguel bilang Darling
  • Scarlet bilang Mrs. Mylene Tamondong

Mga Karagdagang Tauhan[baguhin]

  • Jaya Ramsey bilang Susie
  • Orlando Sol bilang Egay
  • Ken Chan bilang Popoy
  • Kiel Rodriguez bilang Miko
  • Patricia Ysmael bilang Beverly
  • Kim Komatsu bilang Gwendolyn
  • Hiro Magalona bilang Teofi
  • Jamaika Olivarez bilang Kleng-Kleng
  • Nomer Limatog Jr. bilang Miguelito
  • Tanya Gomez bilang Yaya Krising
  • Myra Carel bilang Bevs

Mga Panauhin[baguhin]

  • Claudine Barretto bilang Carmela Abesamis †
  • Jillian Ward bilang Louise May Imperial †
  • Glenda Garcia bilang Marissa Marcelino †
  • Rachelle Ann Go bilang Lara
  • Miguel Tanfelix bilang batang Andrei
  • Romano Vasquez bilang Lito
  • Bubbles Paraiso bilang Bubbles Paraiso
  • Gerald Pizzaras bilang Paco Arcega
  • Jan Marini Alano bilang Mariel Arcega
  • Ernie Garcia bilang Don Mauro Fuentebella †
  • Evangeline Pascual bilang Olivia Fuentebella
  • Dexter Doria bilang Celeste
  • Chinggay Riego bilang ina ni Darling

Mga Papuri at Pagtanggap[baguhin]

Ayon sa AGB Nielsen Philippines, ang Biritera ay nakakuha ng kaukulang puntos na 26.7% Household rating mula Pebrero 6 - 10 (unang linggo ng pagpapalabas) kumpara sa katapat nitong palabas sa ABS-CBN na nakakuha lamang ng 19.5% rating. Sa Urban Luzon, kung saan kinakatawan ang 77 porsiyento ng urban television household sa buong bansa, ang Biritera ay nakakuha ng 25.0% puntos kumpara sa katapat nitong palabas sa katapat na himpilan na nakakuha lamang ng 21.2% puntos. Ang serye ay patuloy sa pamamayagpag sa ikatlong linggo nito ng pagpapalabas (Pebrero 20 - 24) nakapagtala ito ng 24.6% puntos sa Mega Manila kumpara sa 20.0% puntos ng katapat na programa.[6][7]

Pinupuri din ang kagalingan sa pag-arte nila Angelika dela Cruz at Dennis Trillo. Si dela cruz ay ngayon na lamang gumanap ng isang api na karakter. Siya kasi ay nalilinya sa mga kontrabidang pagganap, kaya bago ito sa paningin ng mga manonood na makita syang umiiyak at inaapi. Sa kabilang banda, bagong taktika ng pag-arte din ang pinakita ni Trillo sa nabanggit na serye. Kung dati ay nalilinya siya sa mga "barumbadong" pagganap, sa seryeng ito ay gumaganap siyang mabait.[8]

Mga Awit[baguhin]

Tema[baguhin]

Ang awitin ay may kahulugan na kayang gawin at ibigay lahat ng umaawit para sa kayang pinakamamahal.

Iba pang Awitin[baguhin]

Nasa ibaba ang iba pang awitin na ginamit sa serye sa buo nitong pagpapalabas sa telebisyon.

Pamagat Umawit Lumikha
Ang Lahat ng Ito'y Para Sa 'Yo (main theme) Roseanne Magan Nonong Pedero
Maghintay Ka Lamang Dennis Trillo and Jillian Ward/Sweet Ramos Ted Ito
Listen Sweet Ramos Ann Preven, Scott Cutler, Beyoncé Knowles, Henry Krieger
Firework Sweet Ramos Dean Esther, Mikkel Eriksen, Tor Erik Hermansen, Katy Perry, Sandy Julien Wilhelm
Dadalhin Roseanne Magan Tats Faustino
Hinahanap-Hanap Kita Dennis Trillo Rivermaya (Rico Blanco)
Isang Lahi Roseanne Magan Vehnee Saturno
Shine Roseanne Magan and Sweet Ramos Trina Belamide
Sana Sweet Ramos Florante
Da Coconut Nut Roseanne Magan, Barbara Miguel and Sweet Ramos Ryan Cayabyab
Awit ng Kabataan The Bridge and Roseanne Magan Rivermaya (Rico Blanco)
Bawat Bata The Bridge and Roseanne Magan APO Hiking Society
Iingatan Ka Roseanne Magan Nonong Buencamino
Someday Dennis Trillo and Glaiza de Castro Will Jennings, Clint Black
Wala Na Ba'ng Pag-Ibig Glaiza de Castro Vehnee Saturno
A Dream Is a Wish Your Heart Makes Roseanne Magan Mack David, Al Hoffman, Jerry Livingston
If We Just Hold On Sweet Ramos Danny Tan
Turn the Beat Around Roseanne Magan Gerald Jackson, Peter Jackson
Tears in Heaven Dennis Trillo, Glaiza de Castro, The Bridge, Sweet Ramos, Barbara Miguel Eric Clapton, Will Jennings
Hindi Kita Malilimutan Glaiza de Castro, Sweet Ramos Fr. Manoling Francisco SJ

Suriin din[baguhin]

Reperensiya[baguhin]

Eksternal link[baguhin]