Boracay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
White Beach sa Boracay

Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa.binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng bayan ng Malay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.

Ang Boracay ay ang pinakamatanyag na baybayin na dinarayo ng mga turista.Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong 'White Beach' na ito ang pinakamagandang baybayin sa buong mundo.Ang nagpapaligid nitong tubig ay mababaw at ang buhangin ay mas mapino at maliwanag sa ibat-ibang baybayin sa kapuluan.