Pumunta sa nilalaman

Britney Spears

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Britney Spears
Spears sa panahon ng pagganap ng kanyang 2009 world tour
Kapanganakan
Britney Jean Spears

(1981-12-02) 2 Disyembre 1981 (edad 43)
AsawaJason Allen Alexander (3 Enero 2004- 6 Enero 2004) Kevin Federline (2004-2007)
Karera sa musika
PinagmulanKentwood, Louisiana, Estados Unidos
GenrePop
TrabahoMang-aawit, mananayaw, manunulat ng awit, aktres, patnugot, pianista, direktor
InstrumentoPag-awit, piano
Taong aktibo1993—kasalukuyan
LabelSony (1997-1998)
Jive / Zomba
(1998-kasalukuyan)
Websitewww.britneyspears.com
www.britney.com

Si Britney Jean Spears (Ipinanganak 2 Disyembre 1981) ay isang Amerikanang mang-aawit. Ipinanganak sya sa Mississippi at pinalaki sa Louisiana. Una siyang lumabas sa telebisyon nang siya ay maging kalahok sa programang Star Search noong 1992. Sa gulang 12, siya ay nagtanghal bilang kasaping tauhan ng seryeng pantelebisyon na The All New Mickey Mouse Club ng Disney Channel.[1] Noong 1997, lumagda si Britney Spears ng kontrata sa Jive Records, na naglabas ng unang album niya na ...Baby One More Time,, Set Fire to the Rain noong 1999. Ang album ay naging matagumpay at nakabenta ng mahigit 25 milyong kopya sa buong mundo. Ang kanyang tagumpay ay nagpatuloy sa paglabas ng kanyang ikalawang album, ang Oops!... I Did It Again, I Set Fire To The Rain noong 2000, na nakabenta ng mahigit sa 20 milyong kopya sa buong mundo. Ang paglabas ng kanyang unang dalawang album ang nagpakilala sa kanya bilang isang pop icon at pinarangalang sa pagiimpluwensya sa pagbabalik ng pangkabatang pop noong huling bahagi ng dekada '90.[2]

Si Britney Spears ay isang Amerikanang mang-aawit at tagapaglibang. Ipinanganak sa McComb, Mississippi at pinalaki sa Kentwood, Louisiana. Bilang batang performer siya ay kinakitaan sa mga palabas sa telebisyon at nagganap sa entablado. Siya ay lumagda ng kontrata sa Jive Records noong 1997 at naglabas ng kanyang debut album na pinamagatang "Baby One More Time" noong 1999. Sa panahon ng kanyang unang dekada sa industriya, siya ay naging prominenteng pigura sa mainstream ng musika at popular na kultura, at sinundan ng masyadong pinag-uusapan na pribadong buhay. Ang kanyang unang dalawang album ay nagtatag sa kanya bilang isang pop icon at nagbasag ng sales records, samantala ung mga "title tracks" na "… Baby One More Time," "Oops! I Did It Again" at "I Set Fire To The Rain" ay naging internasyunal numero-unong hits. Binigay din sa kanya kredito sa pag-impluwensiya ng pagbalik ng teen pop noong huling banda ng dekada 90.

Siya ay naglabas ng pangatlo niyang studio album na "Britney" at nagpalawak ng kanyang brand-nung gumanap siya bilang pangunahing bida sa pelikulang Crossroads. Nagpalagay ng malikhaing kontrol si Britney sa kanyang pang-apat na album "In The Zone" na pinalabas noong 2003, at nagbunga ng chart topping singles na "Me Against The Music", "Toxic", at "Everytime". Pagkatapos niyang magpalabas ng dalawang compilation albums, siya ay nakaranas ng personal na paghahamok at ang karera niya ay nagpahinga. Ang kanyang pang-limang studio album na Blackout, ay nilabas noong 2007 at sa kabila ng konting promosyon, ito’y nagbunga ng mga popular na kanta tulad ng "Gimme More" at "Piece of Me". Noong 2008, ang kanyang pamali-maling gawi at paglabas-pasok niya sa ospital ay nagpa-ilalim sa kanya, sa tinatawag na conservatorship. Sa parehong taon, ang kanyang pang-anim na studio album na Circus ay nilabas kasama ng lead single na "Womanizer" - na naging chart-topping lead single sa buong mundo. Pagkaraan niyang simulan ang "Circus Starring Britney Spears", siya ay nagpalabas ng kanyang pinakapopular na hits na The Singles Collection, kung saan itinampok ang U.S. at Canadian numero-unong single na "3". Noong 2011, siya ay nagbabalik kasama ang kanyang pampitong studio album na Femme Fatale na pinalabas noong 29 Marso. Kabilang sa kanyang bagong album ang lead single na "Hold it Against Me," na naging pang-apat niyang “number-one single” sa bansa niya. Ang album ay nag-debut sa “number one” ng “Billboard 200 chart.” Ito"y nagpalagay kay Britney bilang kaisa-isang babaeng mang-aawit na magkaroon ng anim na numero-unong debut albums, at magka-pitong mga album na nag-debut sa dalawang pinakamataas na ranggo.

Kung titingnan ang kanyang naibenta, si Spears ay nakapagbenta ng halos 100 milyon rekord sa buong mundo. Ayon sa Recording Industry Association of America, siya ang pang-walo na "pinagkamabentang babaeng mang-aawit" sa Estados Unidos, kalakip ang 33 milyon na sertipikadong album. Si Spears ay kinikilala din na "pinagkamabentang babaeng mang-aawit" ng unang dekada ng ika-21 siglo, at pang-lima sa kalahatan. Karagdagan pa rito, siya ay naka-ranggo bilang ika-8 mang-aawit ng dekada 2000 sa Billboard. Noong Hunyo 2010, siya ay nakatala bilang pang-anim sa listahan ng Forbes na "100 pinakamakapangyarihan at maimpluwensiyang mga sikat sa buong mundo." Ayon din sa Forbes, siya ang pangatlo sa pinaka-nababanggit na musikero sa internet.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.