Bugtong

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol ito sa bugtong na pahulaan. Para sa pamagat para kay Hesus, tingnan ang Bugtong na Anak.

Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Bugtong, pahulaan, palaisipan, patuturan, riddle". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 228.

Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot. Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.


Mga Halimbawa ng Bugtong[baguhin]

Buto't balat lumilipad. Sagot: Saranggola

Dalawang bangyasan, naghahagaran. Sagot: Binti

Tubo sa punso, walang buko. Sagot: Buhok

Limang puno ng niyog, isa'y matayog. Sagot: Daliri

Dalawang balahibuhin, masarap pagdaitin. Sagot: Mata at kilay

Isang bayabas, pito ang butas. Sagot: Mukha

Mga kawing na panlabas[baguhin]


Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.