Bus

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang bus, na kilala rin bilang omnibus, multibus, autobus, o otobus, ay isang malaking sasakyang panlupa at pangkalsada na may mga gulong na may layuning maglulan ng mga maraming iba't ibang mga tao na kasama ang isang tagapagmaneho o tsuper. May kakayahang maglulan ang bus na maaaring umabot sa 300 mga pasahero.[1] Malawakang ginagamit ang mga bus sa operasyon ng palingkuran o serbisyong pangtransportasyon na may iskedyul o talatakdaan ng pag-alis at pagdating sa hintuan ng bus o sakayan ng bus (bus stop sa Ingles) na nasa bangketa o lakaran ng tao sa gilid ng kalye. Ang isang gusali kung saan naghihintay ang mga tao ng mga bus na pangmalayuang-biyahe o kung saan nagtitipon ang maraming mga bus ay tinatawag na estasyon ng bus o himpilan ng bus. Maraming mga uri ng bus sa buong mundo.

Etimolohiya[baguhin]

Ang pangalan bus ay ang pinaiksing salitang Latin na omnibus na may kahulugang "para sa lahat ng tao".

Mga sanggunian[baguhin]



Transportasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.