Cannabis (halaman)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Dahon ng Cannabis sativa

Ang Cannabis ay isang genus ng mga namumulaklak na halaman na kinabibilangan ng Cannabis sativa, Cannabis indica, at Cannabis ruderalis. Ang mga halamang ito ay katutubo sa Sentral Asya at Timog Asya. Ang Cannabis ay ginagamit sa matagal na panahon para sa fibre (hemp), para sa buto at mga langis ng buto, para sa paggamit medikal, panrelihiyon at bilang drogang panlibangan.