Chaim Weizmann

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Chaim Weizmann

Si Chaim Azriel Weizmann (Ebreo: חיים עזריאל ויצמן‎, Arabe: حاييم وايزمانḤayīm Wayzman; 27 Nobyembre 1874 - 9 Nobyembre 1952) ay isang ganap na kimiko at politiko ng Israel. Isa siyang tanyag na pinuno ng mga Zionista, at napiling pinaka-unang pangulo ng bansang Israel noong 1948.[1]

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Weizmann malapit sa Pinsk, Rusya, na isa sa labinlimang magkakapatid. Nakapag-aral siya sa Alemanya at Switzerland. Naging guro ng kimika si Weizmann sa Pamantasan ng Manchester. Napangasawa niya ang duktorang si Vera Chatzman noong 1906. Nagkakilala sila sa Switzerland. Naging isang Ingles siya noong 1910.[1]

Nahihimlay ang kaniyang mga labi sa Pang-agham na Institusyong Weizmann, isang paaralang itinayo ni Weizmann.[1]

Mga akda[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Trial and Error (isang autobiograpiya ni Weizmann)[1]

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8
Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.