Pumunta sa nilalaman

Suriang Confucius

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Confucius Institute)

Ang Suriang Confucius (Ingles: Confucius Institute) ay isang surian o institutong itinatag ng pamahalaan ng Republikang Bayan ng Tsina para sa paglaganap ng wika at kulturang Tsino. Inilunsad ito sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pandaigdigang Konseho para sa Wikang Tsino o Hanban (Ingles: Office of Chinese Language Council International) para sa layunin ng pagtataguyod ng wikang Tsino at kalinangan sa buong mundo, at may layunin itong itaguyod ang wikang Tsino, kalinangang Intsik, at kaalaman hinggil sa kontemporaryong Tsina sa Pilipinas, na nagtutuon ng pansin sa pagtuturo ng mga guro ng wikang Mandarin para sa mas mataas pang mga surian o institustyong pang-edukasyon sa Pilipinas, ang pagtuturo rin ng Tsinong Mandarin sa pangkalahatang lipunan, at magsagawa ng mga seminar at panayam para talakayin ang mga bagay-bagay hinggil sa kasalukuyang Tsina.

Sa Pilipinas, mayroong limang Suriang Confucius na umiiral sa kasalukuyan: isa sa Pamantasang Ateneo de Manila (partner Chinese university: Sun Yat-sen University), isa sa Pamantasang Pampamahalaan ng Bulacan sa Lungsod ng Malolos (partner Chinese university: Northwest University (China)), isa sa Pundasyong Pamantasan ng Angeles sa Lungsod ng Angeles (partner Chinese university: Fujian Normal University), isa sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman (partner Chinese university: Xiamen University), at isa sa Pamantasang Ateneo de Davao sa Lungsod ng Davao (partner Chinese university: Huaqiao University).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.