Lungsod ng Angeles

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Angeles
—  Lungsod  —

Sagisag
Mapa ng Pampanga na nagpapakita sa lokasyon ng Lungsod ng Angeles.
Lungsod ng Angeles is located in Philippines
Lungsod ng Angeles
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 15°9′N 120°35′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga coordinate: 15°9′N 120°35′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon Central Luzon (Region III)
Lalawigan Pampanga
Distrito Unang Distrito ng Pampanga
Mga barangay 33
Pagkatatag Disyembre 8, 1829
Ganap na Lungsod Enero 1, 1964
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Edgardo Pamintuan
Laki
 • Kabuuan 66.16 km2 (25.54 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 326,336
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kaurian ng kita Unang Klaseng lungsod , Urbanisado
Websayt www.angelescity.gov.ph

Ang Lungsod ng Angeles (Kapampangan: Ciudad ning Angeles/Lakanbalen ning Angeles) ay isang Unang Klaseng lungsod sa lalawigan ng Pampanga, Pilipinas. Labing-anim (16) na kilometro lamang ang layo nito sa kabisera ng Pampanga o Lungsod ng San Fernando. Walumpu't-tatlong (83) kilometro naman ang layo ng Angeles sa Maynila.

Nagsimulang lumago ang Lungsod ng Angeles nang itinatag ang Baseng Pamhimpapawid sa Clark (Base Militar sa Clark) o Clark Air Base pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa sa kilalang palatandaan ang Baseng Pamhimpapawid (Base Militar) sa Lungsod ng Angeles.

Kasaysayan[baguhin]

Sa taong 1796, nagtungo sina Don Angel Pantaleon de Miranda at ang kanyang asawa na si Rosalia de Jesus sa may hilaga ng San Fernando kasama ang kanilang mga tauhan. Dito sila bumuo ng panibagong baryo na tinawag nilang Culiat.[1] Nagsimula ang populasyon ng bayang Culiat sa Anim na raan at animnapu't isang (661) tao noong Disyembre 8,1829, ang taong kinilala ang Culiat bilang isang opisyal na bayan sa Pampanga. Sa kalaunan,binago ang pangalan na Culiat at tinawag itong Angeles sa ngalan ni Don Angel Pantaleon de Miranda at ng patron na si Los Santos Angeles Custodios. Taong 1899,itinatag ng lideratong si Heneral Emilio Aguinaldo ang Angeles bilang sentro ng kanyang pamahalaan. Dito niya ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12,1899. Tulad ng ibang bayan ng Pampanga,sinakop din ng mga Hapon ang Lungsod ng Angeles sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Lumago ang bayan ng Angeles at tinaguriang pinakamaunlad na lungsod sa Ikatlong Rehiyon. Ngunit sa taong 1991, pansamantalang natigil ang daloy ng economiya sa Angeles dahil sa pagsabog ng Bulkang Pinatubo. Maraming nasalantang kabahayanan at imprastraktura sa lungsod kabilang na rito ang tulay ng Abacan. Sumunod din ang pagtiwalag ng mga sundalong Amerikano sa Baseng Pamhimpapawid at tuluyan nang huminto ang pagpapalakad ng Base. Maraming nawalan ng trabaho at nasiraan ng mga ari-arian,ngunit sa loob lamang ng mahigit dalawang (2) taon, muling bumangon ang Lungsod ng Angeles. Bumalik sa dating maunlad na bayan ang lungsod at patuloy itong umaasenso. Sa kasalukuyan, ang Clark International Airport o Diosdado Macapagal International Airport ay kasalukuyang pinapalakad sa loob ng Baseng Pamhimpapawid ng Clark sa Lungsod ng Angeles.

Mga Barangay[baguhin]

Ang Lungsod ng Angeles ay nahahati sa 33 barangay.

  • Agapito del rosario
  • Anunas
  • Balibago
  • Capaya
  • Claro M. Recto
  • Cuayan
  • Cutcut
  • Cutud
  • Lourdes North West
  • Lourdes Sur
  • Lourdes Sur East
  • Malabanias
  • Margot
  • Mining
  • Pampang (Sto. Niño)
  • Pandan
  • Pulungbulu
  • Pulung Cacutud
  • Pulung Maragul
  • Salapungan
  • San Jose
  • San Nicolas
  • Santa Teresita
  • Santa Trinidad
  • Santo Cristo
  • Santo Domingo
  • Santo Rosario (Pob.)
  • Sapalibutad
  • Sapangbato
  • Tabun
  • Virgen Delos Remedios
  • Amsic
  • Ninoy Aquino (Marisol)


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Maling banggit (Umiiral na ang mga tatak na <ref>, subalit walang natagpuang tatak na <references/>); $2