Wikang Kapampangan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kapampangan
Ginagamit sa Pilipinas


Gitnang Luzon
Bilang ng mga tagapagsalita 2.4 milyon
Pamilya ng wika Awstronesyo
Sistema ng pagsulat Latin (Abakada o Kahalawang Espanyol);
Nakasulat noon sa Matuang Kudlitan
Opisyal na Katayuan
Opisyal na Wika sa Wikang pangrehiyon sa Pilipinas
Pinamamahalaan ng Komisyon sa Wikang Filipino
(Commission on the Filipino Language)
Mga kodigong panwika
ISO 639-1 None
ISO 639-2 pam
ISO 639-3 pam
Lingwaspero

Ang Wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika ginagamit sa Pampanga. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampan͠gan/Capampañgan, Pampangueño, at Amanung Sisuan (wikang pinasuso).

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang salitang "Kapampangan" ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog (ang pampang din ay salitang Tagalog na may kaparehong kahulugan).

Mangilan-ngilan lang ang may nakakaalam sa naturang wika bago dumating ang mga Espanyol noong ika-16 siglo.

Sa kasalukuyan, ang paggamit sa Kapampangan, kahit na sa mga lugar na kung saan tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang nababawasan.[1]

Pagkakahanay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Kapampangan ay isang Wikang Hilagang Pilipinas sa loob ng pamilyang Awstronesyo.

Kabilang sa mga malalapit na wika ng Kapampangan ay ang mga wikang Sambal sa Zambales at ang Wikang Bolinao sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.


Distribusyong Heograpiko[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga lugar kung saan ginagamit ang wikang Kapampangan

Ang Kapampangan ay pangunahing ginagamit sa mga lalawigan ng Pampanga, at sa mga bayang nasa katimugan ng Tarlac (Bamban, Capas, Concepcion, San Jose, Gerona, La Paz, at Lungsod ng Tarlac). Ginagamit din ang naturang wika sa mga piling lugar sa mga lalawigan ng Bataan (Abucay, Dinalupihan, Hermosa, at Samal), Nueva Ecija, Bulacan, at Kalakhang Maynila.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. In many gatherings Kapampangans seem more confident and articulate in exchanging views and ideas among their own K[abalen] ‘countrymen’ ... in Tagalog than they would in their own [mother tongue]. For instance, many Catholic priests are now delivering their homilies in the Tagalog language during a Kapampangan liturgy while high school student meetings are conducted in the Tagalog language even if all the participants are Kapampangans. http://www.silinternational.org/asia/philippines/ical/papers/pangilinan-Dispute%20on%20Orthography.pdf


Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]