Sumasampalataya Ako

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang "Sumasampalataya Ako" o ang Kredong Apostóliko (Latín: Symbolum Apostolorum o Symbolum Apostolicum) ay sinaunang pagpapahayag ng paniniwalang Kristiyano, isang kredo. Bahagi rin ito sa pagdarasal ng rosaryo.[1]

Teksto sa Tagalog[baguhin | baguhin ang batayan]

Ito ang nilalaman ng dasal na ito:[2]
(Ang mga bilang na nakalagay ay ayon sa tradisyonal na bilang ng Katesismo ng Simbahang Katoliko.)

  1. Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyayari sa lahat, na may gawâ ng langit at lupa.
  2. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoón nating lahat.
  3. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espíritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
  4. Pinagpakasakit ni Póncio Pilato, ipinakò sa krus, namatay, inilibing.
  5. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-ulî.
  6. Umakyat sa langit, náluluklók sa kanan ng Diyos Amang Makapangyayari sa lahat.
  7. Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa mga nangabubuhay at nangamatay na tao.
  8. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espíritu Santo,
  9. sa Banal na Simbahang Katólika;
  10. sa kapisanan ng mga Banal;
  11. Sa kapatawaran ng mga kasalanan,
  12. Sa pagkabuhay na mag-ulî ng mga nangamatay na tao,
  13. At sa buhay na walang-hanggán. Amen.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Silipin Din[baguhin | baguhin ang batayan]


Kristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.