Federico I, Emperador ng Banal na Imperyong Romano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Frederick Barbarossa, nasa gitna, na napapagitnaan ng dalawa niyang mga anak na lalaking sina Haring Henry VI (nasa kaliwa) at Duke Frederick VI (nasa kanan). Ang larawang ito ay mula sa Kronikulong Welf.

Si Frederick I Barbarossa (Federico I Barbarroja; 1122 – 10 Hunyo 1190) ay ang Alemang Emperador ng Banal na Imperyong Romano. Nahalal siya bilang Hari ng Alemanya sa Frankfurt noon 4 Marso 1152 at kinoronahan sa Aachen noong 9 Marso 1152. Siya ay naging Hari ng Alemanya noong 1155 at kinoronahan ni Papa Adriano IV bilang Emperador ng Roma noong 18 Hunyo 1155. Pagkalipas ng dalawang mga taon, ang katagang sacrum (nangangahulugang "banal") ay unang lumitaw sa isang kasulatan na may kaugnayan sa kaniyang Imperyo.[1] Pormal din siyang kinoronahan bilang Hari ng Burgundiya sa Arles noong 30 Hunyo 1178. Nakuha niya ang pangalang Barbarossa (Barbarroja) mula sa mga hilagang lungsod ng Italya na tinangka niyang pamunuan. Ang "Barbarossa" ay nangangahulugang "pulang balbas" sa Italyano, na isang tanda ng pagkatakot at paggalang.[2] Sa Aleman, nakikilala siya bilang Kaiser Rotbart, na ganoon din ang kahulugan.

Bago siya mahalal bilang hari, siya ang Duke ng Swabia dahil sa pagkakamana mula 1147 hanggang 1152, bilang Frederick III. Siya ang anak na lalaki ni Duke Frederick II ng dinastiyang Hohenstaufen. Ang kaniyang ina ay si Judith, anak na babae ni Henry IX, Duke ng Bavaria, mula sa katunggaling Kabahayan ng Welf. Samakatuwid, si Frederick Barbarossa ay nagmula sa dalawang nangungunang mga mag-anak ng Alemanya, na nakagawa sa kaniya upang maing isang katanggap-tanggap na napili para sa mga prinsipe-elektor ng Imperyo.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Peter Moraw, Heiliges Reich, nasa loob ng: Lexikon des Mittelalters, Munich & Zurich: Artemis 1977–1999, ika-4 na tomo, 2025–2028.
  2. Canduci, pahina 263



TalambuhayAlemanyaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Alemanya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.