Felix William Fuentebella
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Setyembre 2017)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Felix William B. Fuentebella | |
---|---|
Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas mula sa Ikaapat na Distrito ng Camarines Sur | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2013 – Hunyo 30, 2016 | |
Nakaraang sinundan | Arnulfo P. Fuentebella |
Sinundan ni | Arnulfo P. Fuentebella |
Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas mula sa Ikatlong Distrito ng Camarines Sur | |
Nasa puwesto June 30, 2001 – June 30, 2004 | |
Nakaraang sinundan | Arnulfo P. Fuentebella |
Sinundan ni | Arnulfo P. Fuentebella |
Personal na detalye | |
Isinilang | Lungsod Quezon | 5 Hulyo 1975
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Nationalist People's Coalition United Nationalist Alliance |
Asawa | Geraldine "Giselle" Molina Fuentebella |
Anak | Geri Molina Fuentebella |
Tahanan | Abo, Tigaon, Camarines Sur (panlalawigan) Lungsod Quezon (Kalakhang Maynila) |
Alma mater | Pamantasan ng Ateneo de Manila Pamantasan ng Pilipinas San Sebastian College Recoletos Institute of Law |
Propesyon | Abogado |
Websitio | wimpy.com.ph |
Si Felix William B. Fuentebella (mas kilala sa tawag na "Wimpy") ay ang dating Kinatawan ng Ikaapat (noo'y Ikatlong) Distrito ng Lalawigan ng Camarines Sur, na mas kilala bilang "Distrito Partido" mula 2013 hanggang 2016.
Maagang Buhay at Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Felix William "Wimpy" Fuentebella ay ipinanganak noong February 5, 1975 sa Lungsod Quezon sa dating Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Mambabatas Arnulfo P. Fuentebella at Alkalde ng Bayan ng Sagñay na si Evelyn Buquid.
Siya ay kabilang sa daang taong pamilyang pulitikal sa PIlipinas. Si Wimpy ay isang ikaaapat na henerasyong pulitiko mula kay Mariano Fuentebella na naging Gobernador ng Ambos Camarines (pinagsamang Camarines Norte and Camarines Sur) noong panahon ng mga Amerikano.
Siya ay nag-aral ng elementarya at ng mataas na paaralan sa Pamantasang Ateneo de Manila mula 1989 hanggang 1993. Siya ay kumuha ng kursong Bachelor of Science in Business Administration mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1993 hanggang 1997. Nagsimula siya sa kanyang Bachelor of Laws sa Ateneo Law School sa taong 1998 hanggang 2001 at naputol nang sandali matapos siyang mahalal bilang Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Camarines Sur. Matapos ang kanyang tatlong taong termino, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa San Sebastian College Recoletos Institute of Law sa mga taong 2004 hanggang 2006 at naipasa ang Bar Exams noong 2009. Siya ay natanggap sa Integrated Bar of the Philippines, sa Partido Bar Association, at sa Rinconada Bar Association.
Siya ay masayang ikinasal kay Geraldine "Giselle" Molina kasama ang kanyang anak na si Geri.
Pulitika at Propesyonal na Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago siya nahalal bilang Mambabatas ng Ikatlong (ngayo'y Ikaapat) na Distrito ng Camarines Sur, siya ay nagtrabaho sa tanggapan ng kanyang amang si Arnulfo Fuentebella bilang Political Affairs Officer mula 1997 hanggang 2000. Matapos marating ng kanyang ama ang tatlong magkakasunod na termino ng isang mambabatas, siya ang napili upang pailtan ang kanyang ama sa Kongreso sa 2001 sa edad na 26, at bilang ang pinakabatang lehislador ng ika-labindalawang Kongreso ng PIlipinas at nagsilbi bilang Assistant Majority Floor Leader. Siya ay higit na nakilala sa pangunguna sa imbestigasyon sa posibleng maling paggamit ng Judicial Development Fund at pag-file ng impeachment complaint laban sa Punong Mahistrado Hilario Davide, Jr.
Sa kanyang termino bilang Kongresista, siya ay naging co-author ng Anti-Money Laundering Act(RA 9160) at nagpatuloy sa mga pagbabago sa Procurement Reform Act(RA 9184).
Matapos bumalik ang kanyang ama sa Kongeso, si Wimpy ay nagsilbi bilang Chief Of Staff at PInuno of Legislative Staff mula 2007 hanggang 2010. Sa mga panahong ito, siya rin ang Co-Chairman ng Partido Development Administration (PDA) Board. Siya ay napili bilang Housing Commissioner ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 st kinalauna'y napili bilang Deputy Secretary General ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) noong 2011 ni Pangalawang Pangulong Jejomar Binay. Nagbitiw siya sa puwesto noong 2012 upang lumaban sa Kongreso at pumalit sa kanyang ama bilang kinatawan ng Partido.
Siya ay nanalo sa laban sa aktor at pulitikong si Aga Muhlach sa halalan noong 2013.
External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- https://www.congress.gov.ph/members/search.php?id=fuentebella-f Naka-arkibo 2014-07-16 sa Wayback Machine.
- Building Institutions: The Fuentebella Legacy by Coylee Gamboa