Francisco Balagtas

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Francisco Baltazar
Kapanganakan Abril 2, 1788
Bigaa, Bulacan
Kamatayan Pebrero 20, 1863
Udyong, Bataan
Iba pang pangalan Balagtas
Trabaho Manunulat
Kilala para sa Florante at Laura
Ito ang artikulo sa Pilipinong makata. Para sa bayang ipinangalanan sa kanya, tingnan ang Balagtas, Bulacan.

Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.[1]

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

[baguhin] Unang mga taon

Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Mariano Pilapil.

[baguhin] Buhay bilang manunulat

Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay isa ring nagsilbing hamon kay Kikong para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kikong sa larangan na panulaan.

Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Celia, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita ni Celia. Habang nasa kulungan siya, ipinakasal ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana Tiambeng.

[baguhin] Huling mga araw

Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang 7 niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74, namatay siya sa pulmonya at katandaan.

[baguhin] Ang kanyang mga sinulat

  1. Almanzor y Rosalina
  2. Clara Belmori
  1. Abdol y Miserena
  2. Auredato y Astrone
  3. Bayaseto at Dorsalica
  4. Rodolfo at Rosamunda
  5. Florante at Laura
  6. Nudo Gordiano
  7. Sa Pula sa Puti

[baguhin] Tignan din

[baguhin] Mga sanggunian

  1. Quirino, Carlos. Preface for Apolinario Mabini’s Hand-Written Version of Francisco Baltasar’s “Florante at Laura” (Pambungad para sa Kopya ng “Florante at Laura” ni Francisco Baltasar na nasa sulat-kamay ni Apolinario Mabini), nasa wikang Ingles, ang kopya ni Mabini ay isinalin sa Ingles ni Tarrosa Subido (nasa kaliwa ang Tagalog samantalang nasa kanan ang katumbas sa Ingles), National Historical Commission, Bureau of Printing, Manila, 1964 (unang paglilimbag), at Vertex Press, Lungsod ng Quezon, 1972 (pangalawang paglilimbag), may 119 pahina, nasa bukod na mga pahinang v-xx ang pambungad (preface) at paunang-salita ng tagapagsalinwika (translator’s foreword)

[baguhin] Mga kawing panlabas

Mga pansariling kagamitan
Mga ngalan-espasyo
Naiiba pa
Mga gawain
paglilibot
pakikihalubilo
Mga kagamitan
Sa ibang wika