Frederic Francois Chopin

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Chopin,1835

Si Frederic Francois Chopin (Polako: Fryderyk Franciszek Chopin, sometimes Szopen; Pranses: Frédéric François Chopin; apelyido bigkas: /ˈʃoʊpæn/ sa wikangIngles; Pagbigkas sa Pranses: [ʃɔpɛ̃]; 1 March 1810[1] – 17 October 1849) ay isang kompositor at birtuosong piyanista mula sa bansang Polonya.[2][3] Isa siya sa mga dakilang manlilikha ng musikong Romantiko[4]

Isinilang siya sa bayan ng Żelazowa Wola sa in the Dukado ng Varsovia, sa isang dayong Pranses at sa isang inang Polako, at itinuring na isang batang henyo.[5]. Noong ikalawang araw ng Nobyembre 1830, sa gulang na dalawampung taon, nilisan niya ang Varsovia at nagtungo ng Austria, sa pagnanais na makarating ng Italya. Ang pagsiklab ng Pag-aalsa ng Nobyembre (November Uprising) sa Polonya pitong araw ang makalipas, at ang pagsupil nito ng Imperyo ng Rusya ang nagtulak kay Chopin upang mapabilang sa napakaraming nandarayuhang Polako sa Dakilang Pangingibang-bansa ng mga Polako (Great Polish Emiration).[6]

Sa Paris, nagkaroon ng maginhawang buhay si Chopin bilang isang kompositor at guro ng piano, habang malimit na nagbibigay ng mga pagtatanghal. Bagama't itinuring niya ang sarili bilang isang makabayang Polako [7][8], ginamit niya sa Pransiya ang Pranses na salin ng kanyang pangalan at, upang hindi siya umasa lamang sa mga dokumentong ipinagkakaloob ng pamahalaan ng Imperyo ng Rusya, siya ay naging isang mamayang Pranses.[9][10][11] Pagkatapos ng ilang mga masalimuot na relasyon sa ilang mga kababaihang Polaka, nagkaroon siya ng isang masidhing relasyon sa Pransesang si George Sand. Isang sakiting tao, binawian siya ng buhay sa Paris noong 1849 sa edad na tatlumpu't siyam, sa sakit na pulmonary tubercolosis.[12][13]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Some sources give 22 February; please see Life for details.
  2. (Ingles) Michael Kennedy, ed (2004). The Concise Oxford dictionary of music. Oxford University Press. ISBN 0-19-860884-5.  p. 141
  3. (Pranses) Rey Alain (1993). Le petit Robert 2 : ( dictionnaire universel des noms propres, alphabétique et analogique ). INIST-CNRS, Cote INIST : L 22712: Le Robert, Paris, FRANCE. ISBN 2-85036-210-7. 
  4. Arthur Hedley et al., "Chopin, Frédéric (François)," Encyclopaedia Britannica, p. 263.
  5. Gerald Abraham, "Chopin, Frédéric," Encyclopedia Americana, p. 627.
  6. "Chopin - biography". www.chopin.pl. http://www.chopin.pl/biografia/index_en.html. Hinango noong 30 August 2009. 
  7. David Ewen, p. 164.
  8. Tad Szulc, Chopin in Paris, pp. 12, 404.
  9. Tad Szulc, Chopin in Paris, p. 69: "Chopin of course had not been deported and was not a political refugee, but the French granted him permission to stay in Paris indefinitely 'to be able to perfect his art'. Four years later, Frédéric became a French citizen and a French passport was issued to him on 1 August 1835."
  10. French passport: http://diaph16.free.fr/chopin//chopin7.htm
  11. Encyclopaedia Britannica, http://www.britannica.com/eb/article-9082338/Frederic-Chopin
  12. Smolenska-Zielinska, Barbara. "Chopin — Biography". Fryderyk Chopin. http://www.chopin.pl/biografia/index_en.html. Hinango noong 2006-09-10. 
  13. A more recent theory about Chopin's death is reported in a 23 June 2008 Times of India article: Polish cystic fibrosis specialist Wojciech Cichy says that the symptoms Chopin suffered throughout his life were typical of cystic fibrosis, a genetic illness which clogs the lungs with excess thick, sticky mucus. "From childhood he was weak, prone to chest infections, wheezing, coughing." As an adult weighing 40 kg at a height of five feet, seven inches, Chopin was chronically underweight—another symptom of cystic fibrosis. It has been proposed that Chopin's heart be retrieved from its alcohol-filled crystal urn, which reposes inside a pillar at Warsaw's Holy Cross Church, and be tested for the CFTR gene that is a marker for cystic fibrosis.[1]