Fullmetal Alchemist

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Fullmetal Alchemist
鋼の錬金術師
(Hagane no Renkinjutsushi)
Genre Adventure, Science fantasy, Steampunk
Manga
Tagalikha Hiromu Arakawa
Tagalathala Watawat ng Japan Gangan Comics
Watawat ng Canada Flag of the United States VIZ Media
Watawat ng Australia Watawat ng Singapore Chuang Yi (Intsik at Ingles)
Watawat ng Republika ng Tsina Tong Li
Watawat ng Hongkong Jade Dynasty
Watawat ng Pransiya Kurokawa
Watawat ng Italy Planet Manga
Watawat ng Spain Norma Editorial
Watawat ng Poland Japonica Polonica Fantastica
Watawat ng Thailand Siam Inter Comic
Watawat ng Timog Korea Daiwon CI
Watawat ng Malaysia Komik Remaja
Watawat ng Finland Sangatsu Manga
Watawat ng Sweden Bonnier Carlsen
Watawat ng Brasil Editora JBC
Watawat ng Indonesya Elex Media Komputindo
Magasin 'Monthly Shonen Gangan'
Orihinal na Pagpapalabas Enero 2001still running
Bolyum 17 mga bolyum, na may 77 kabuuang mga tsapter (12 Nobyembre 2007)
Telebisyong Anime
Studyo Bones
Istasyon Watawat ng Japan MBS-TBS, Animax
Watawat ng Hongkong TVB Jade
Watawat ng Canada YTV
Watawat ng AustraliaFlag of the United States Cartoon Network (Adult Swim)
Watawat ng Poland Hyper
Watawat ng Malaysia TV3
Watawat ng Singapore Channel U
Watawat ng Argentina Watawat ng Mexico Flag of the Dominican Republic Watawat ng Venezuela Watawat ng Indiya Animax
Watawat ng Brasil Animax, Rede TV!
Watawat ng Chile Chilevisión
Watawat ng Unggarya Animax
Watawat ng PransiyaCanal +, MCM
Watawat ng Italy MTV Italia Flag of the Philippines GMA Network, Animax
Watawat ng Timog Korea Champ, Anione
Watawat ng Spain Canal Buzz, Cuatro
Watawat ng Finland Subtv
Watawat ng Litwaniya LNK
Flag of the United Kingdom Rapture TV, AnimeCentral
Related works

Fullmetal Alchemist the Movie: Conqueror of Shamballa

Ang Portada ng Anime at Manga

Ang Fullmetal Alchemist (鋼の錬金術師 Hagane no Renkinjutsushi, lit. Alkimiko ng Bakal), kadalasang dinadaglat bilang "FMA" o "Hagaren", ay isang seryeng manga ni Hiromu Arakawa sa Monthly Shonen Gangan. Naging anime din ito at isang pelikula, gayon din ang ilang spin-off at mga larong pang-bidyo. Ang literal na ibig sabihin ng katagang "Hagane no Renkinjutsushi" ay "Aserong Alkimiko".

Ang manga ay inililimbag pa rin hanggang ngayon sa bansang Hapon at 17 bolyum na ang nailathala. Ang anime, sa kabilang banda, ay nagwakas na, at nilalaman ng 51 episodyo at ng isang pelikula. Pareho ang anime at manga na nakaranas ng sobrang kasikatan sa bansang Hapon at Hilagang Amerika. Napanalunan ng serye ang Animage Anime Grand Prix prize noong 2003. Binoto ang anime na #1 best anime of all time sa isang web poll ng TV Asahi noong Setyembre 2005,[1] at muling naging #1 noong 2006.[2]

Naipasok ito sa anim sa walong kategorya kung saan maaari sa American Anime Awards noong Pebrero 2007, at nanalo ng mga parangal sa limang kategorya: Best Long Series, Best Actor, Best Cast, Best DVD Package Design, at Best Anime Theme Song (Rewrite ("Muling isulat") ng Asian Kung-fu Generation). Naipasok din ito sa ketegorya ng Best Anime Feature para sa Fullmetal Alchemist the Movie: Conqueror of Shamballa. Pinamigay ang mga parangal sa labindalawang kategorya, at walang ibang anime ang nanalo ng higit sa dalawang parangal.[3]

Balangkas[baguhin]



Ang tagpuan ng Fullmetal Alchemist ay sa ika-20 siglo, sa isang bansa na tinatawag na Amestris sa isang pamalit-kasaysayang Daigdig na may teknolohiyang tinatayang noong ika-20 siglong Europa. Sa mundong ito, mabigat na ginagamit ang agham ng alkimiya, ngunit mayroon mga elementong pantasya. Sinusubok ng mga totoong mga alkimiko ang transmutasyon ng ginto sa pamamagitan mabababang metal. Sa serye, ang alkimiya ay nagiging agham ng transmutasyon ng materya sa ibang materya sa pamamagitan ng transmutation circles (mga transmutasyong bilog) -- isang siyentipiko, sa kabila noon may katumbas na salamankang pagsasanay. Nagiging Alkimiko ng Estado ng militar ang mga mahuhusay na mga alkimiko. Salungat sa ganitong situwasyon, isinasalarawan ng serye ang paghahahanap ng batang si Edward Elric, ang Fullmetal Alchemist, at kanyang nakakabatang kapatid na si Alphonse, para sa mala-alamat na Philosopher's Stone (Bato ng Pilosopo). Nagdulot ng kanilang paghahanap ng pagtuklas sa katotohanan sa kanilang nakaraan at sa mundong kanilang ginagalawan.

Mga nagboses[baguhin]

Mga nagboses sa wikang Hapon[baguhin]

Mga nagboses sa wikang Tagalog at Bisaya[baguhin]

  • Tiongson, Michiko Azarcon bilang Alphonse Elric
  • Rowena Raganit bilang Edward Elric
  • Bon Reyes bilang Roy Mustang
  • Grace Cornel bilang Clara/Psiren/Riza Hawkeye/Rose Tomas/Sloth/Winry Rockbell/Wrath
  • Tiongson, Michiko Azarcon bilang Izumi Curtis
  • Montreal Repuyan bilang Alex Louis Armstrong /Priest Cornello
  • Vincent Gutierrez bilang Scar

Mga pinagbatayan[baguhin]

  1. "TV Asahi Top 100 Anime". Anime News Network. 2005-09-23. http://www.animenewsnetwork.com/news/2005-09-23/tv-asahi--100-anime. Nakuha noong 2007-06-29. 
  2. "Japan's Favorite TV Anime". Anime News Network. 2006-10-13. http://www.animenewsnetwork.com/news/2006-10-13/japan's-favorite-tv-anime. Nakuha noong 2007-06-29. 
  3. "American Anime Awards finalists". American Anime Awards. http://www.americananimeawards.com/news/pr_finalist.asp. Nakuha noong 2007-06-29. 

Mga kaungnay palabas na sayt[baguhin]

Opisyal[baguhin]

Hindi mga eklusibong mga sayt[baguhin]