Golpo ng Aden

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Golpo ng Aden (Arabe: خليج عدن‎; transliterasyon: Khalīj 'Adan, Somali: Khaleejka Cadan) ay nakalagak sa Dagat na Arabyano sa pagitan ng Yemen sa ibabaw ng timog na dalampasigan ng Tangway na Arabyano at Somalia sa Sungay ng Aprika. Sa hilagang-kanluran, dumurugtong ito sa Dagat na Pula sa pamamagitan ng kipot ng Bab-el-Mandeb, na may bandang 20 mga milya ang lapad.

Bahagi ang daanang-tubig ng mahalagang rutang pambarko ng kanal ng Suez sa pagitan ng Dagat na Mediteraneo at ng Dagat na Arabyano sa Karagatang Indiyano, na may 21,000 mga bapor na tumatawid sa golpo bawat taon.[1] Nakikilala ang golpo sa palayaw na "Iskinita ng mga Mandarambong" o "Pasilyo ng mga Pirata" ("Pirate Alley" sa Ingles) dahil sa malaking bilang ng pandarambong sa lugar na ito.

Mga sanggunian[baguhin]



HeograpiyaYemenSomalia Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya, Yemen at Somalia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.