Gumamela

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Gumamela
Isang pulang bulaklak ng gumamela sa Yercaud, Indiya
Kauriang pang-agham
Kaharian: Plantae
(unranked): Angiosperms
(unranked): Eudicots
(unranked): Rosids
Orden: Malvales
Pamilya: Malvaceae
Subpamilya: Malvoideae
Tribo: Hibisceae[1]
Sari: Hibiscus
L.
Mga uri

Mahigit sa 200 mga uri

Ang gumamela, hibisko[2], o mababaw[3], may pangalang pang-agham na Hibiscus[4] (Ingles: rosemallow; Kastila: flor de Jamaica) ay isang sari ng mga halamang may mga kasaping uri na kalimitang itinatangi dahil sa kanilang kapansin-pansing mga bulaklak. Tinatawag din silang bulaklak ng Hamayka. Kabilang sa malaking saring ito ang mga nasa 200–220 mga uri ng halamang namumulaklak sa loob ng pamilyang Malvaceae, na katutubo sa maligamgam, hindi gaanong kalamigan o hindi kainitan, subtropikal, at tropikal na mga rehiyon sa buong mundo. Kabilang din sa sari ang mga taunan at pangmatagalan o perenyal na mga mayerbang mga halaman, pati na ang makahoy na mga palumpong at maliliit na mga puno.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Hibiscus L.". Germplasm Resources Information Network. United States Department of Agriculture. 2007-10-05. http://www.ars-grin.gov/cgi-bin/npgs/html/genus.pl?5665. Hinango noong 2009-02-20. 
  2. Gaboy, Luciano L.. "Hibiscus". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Blake, Matthew. (2008). "Hibiscus, mababaw, gumamela". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa Hibiscus.
  4. Sunset Western Garden Book, 1995:606–607.



HalamanBulaklakPuno Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman, Bulaklak at Puno ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.