Hanbok

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Hanbok
Hanbok (female and male).jpg
Pangalang Koreano
Hangul 한복 o 조선옷
Hanja 韓服 o 朝鮮옷
Bagong Romanisasyon Hanbok o Joseon-ot
McCune-Reischauer Hanbok o Chosŏn-ot
Mga hanbok.

Ang Hanbok (sa Timog Korea) o Joseon-ot (sa Hilagang Korea, binabaybay ding Chosŏn-ot) ay ang tradisyunal na damit ng Korea. Binubuo ang pambabaeng hanbok ng naibabalot na chima o palda at ng isang tila bolerong jeogori o tsaketa. Binubuo naman ang para sa kalalakihan ng maiksing jeogori at ng baji o pantalon. Kapwa maaaring patungan ang pambabae at panlalaking hanbok ng isang mahabang abrigo, ang durumagi, na may katulad na gupit o yari. Sa kasalukuyan, isinusuot ng mga Koreano ang hanbok para sa mga araw ng pagdiriwang o kasiyahan at para sa mga seremonyang katulad ng kasalan o paglilibing.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Hanbok: Traditional Korean Dress". Facts About Korea. (1973). Korean Overseas Information Service at Government Information Service (Seoul, Republika ng Korea), Edisyon ng 2006, ISBN 89-7375-008-9 03910., Kabanata 20, pahina 244.


Mga kawing panlabas[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.