Hendrik Lorentz

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Hendrik Antoon Lorentz
Hendrik Antoon Lorentz
Kapanganakan 18 Hulyo 1853(1853-07-18)
Arnhem, Netherlands
Kamatayan 4 Pebrero 1928 (edad 74)
Haarlem, Netherlands
Kabansaan Netherlands
Larangan Pisika
Institusyon Pamantasan ng Leiden
Alma mater Pamantasan ng Leiden
Tagapayo sa pagkaduktor Pieter Rijke
Mga estudyante sa pagkaduktor Geertruida L. de Haas-Lorentz
Adriaan Fokker
Leonard Ornstein
Kinikilala dahil sa Teorya ng radyasyong EM
Natatanging mga gantimpala Premyong Nobel para sa Pisika (1902)

Si Hendrik Antoon Lorentz[1] (ipinanganak 18 Hulyo 1853 sa Arnhem, Netherlands; namatay 4 Pebrero 1928 sa Haarlem, Netherlands) ay isang pisikong Dutch na nagwagi ng 1902 Gantimpalang Nobel para sa Pisika noong 1902, kasama at kahati ni Pieter Zeeman para sa pagkakatuklas at tiyoretikal na pagpapaliwanag ng epektong Zeeman. Siya rin ang humango ng mga ekwasyon ng transpormasyon (o transpormasyong Lorentz) na ginamit ni Albert Einstein sa kalaunan para ilarawan ang espasyo at panahon.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Marami siyang naging ambag sa larangan ng pisika, kung saan ang teoriya ng liwanag ang siyang pinakanatatangi. Ginantimpalaan siya, kasama ng isang dating estudyanteng si Pieter Zeeman, ng Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1902 dahil sa kaniyang pag-aaral sa kung paano naaapektuhan ng daloy na magnetiko (magnetic field) ang kahabaan ng alon (wavelength) o daloy ng liwanag. Higit siyang kilala dahil sa teoriyang tinatawag na kontraksiyon o galaw na Lorentz-Fitzegarld (Lorentz-Fitzgerald contraction), na nagsasabing "ang gumagalaw na bagay ay gumagalaw alinsunod (o patungo) sa direksiyon (o patutunguhan) ng mosyon (o kilos)."[1][2]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Hendrik Antoon Lorentz". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).
  2. Salin mula sa Ingles: (...) "a moving body contracts in the direction of motion. (...)