Henry Ford

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Henry Ford
Pagkamamamayan Estados Unidos
Hanapbuhay Negosyante
Asawa Clara Jane Bryant
Anak Edsel Ford
Mga magulang William Ford at Mary Ford

Si Henry Ford (30 Hulyo 1863 - 7 Abril 1947) ay isang Amerikanong imbentor. Siya ang "Ama ng Modernong Assembly Lines", na ginagamit sa pangmaramihang produksiyon. Itinayo rin niya ang kompanyang Ford Motor. Ang pagpapakilala niya sa Model T na sasakyan ang nagpabago sa industriya ng transportasyon ng mga Amerikano. Pinarangalan siya ng 161 U.S. patents. Bilang mag-isang may-ari ng Kompanya ng Ford, siya'y naging pinakamayamang at pinakakilalang tao sa buong mundo. Siya ang nasa likod ng "Fordism", ang pangmaramihang produksiyon ng malalaking bilang ng hindi mamahaling sasakyan sa pamamagitan ng assembly line, na sinabayan pa ng mataas na pasahod para sa kanyang mga manggagawa - ang mas kilalang US$ 5.00 bawat araw na bayad ay sinimulan niyang gawin noong 1914. Ang kanyang maigting na pagkilos na pababain ang halaga ng ay nagresulta ng maraming teknikal at pangnegosyong pagbabago, kasama na ng sistemang pagpaprangkisa na magdadala sa mga lungsod sa Timog Amerika, at sa mga pangunahing lungsod sa anim na kontinente. Iniwan ni Ford ang lahat ng kanyang kayamanan sa Pundasyon ng Ford, ngunit inayos ito upang ang pamilya niya ang mamamahala ng kompanya.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.