Pumunta sa nilalaman

Honorius

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Honorius (emperor))
Honorius (emperor)

Si Flavius Honorius (Setyembre 9, 384–Agosto 15, 423) ay ang emperador ng Kanlurang Imperyong Romano mula 395 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ay nakababatang anak nina emperador Theodosius I at Aelia Flaccilla, at kapatid ni emperador Arcadius ng Silangang Imperyo Romano. Namuno siya sa panahon na pabagsak na ang Kanlurang Imperyo. Naging katuwang niya sa pamamahala si Stilicho, ang pangunahin niyang heneral. Nakatulong si Stilicho upang mapanatili ang kabuuan ng imperyo, ngunit siya ay binitay noong 408. Dahil dito, nagawang dambungin ng mga Visigoth sa ilalim ni Alaric ang Roma noong Agosto 24, 410.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.