Hugis ng katawang pambabae

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Frau-2.jpg

Ang hugis ng katawan ng babae o hubog ng katawang pambabae ay ang inipon o pinagsama-samang produkto ng kayarian ng kalansay (bulas niya o pangangatawan) ng isang babae at pati na ng dami at pagkakamudmod ng kanyang mga masel at taba sa katawan. Mayroon, at nagkaroon, ng malawakang pagkakaiba-iba sa kung ano ang dapat ituring na ideyal, perpekto, o ninanais na hugis, hubog, o tabas ng katawan, kapwa para sa pagiging kaakit-akit o kaaya-aya at kadahilanang pangkalusugan. Iba-iba ito sa mga kultura at sa sari-saring mga kapanahunan. Palagiang nakatuon ang pansin ng mga tao at ng kanilang mga kalinangan sa katawan ng babae bilang pinagmumulan ng kasiyahang estetiko, atraksiyong seksuwal, pertilidad, at pang-akit na pangreproduksiyon o pag-aanak.

Mga hugis ng katawang pambabae[baguhin]

May apat na pangunahing tipo ang katawan ng babae: ang hugis saging, ang kahugis ng peras, ang hubog mansanas, at ang kahubog ng orasang may buhangin.[1]

Hugis saging[baguhin]

Sa hugis saging na katawan ng babae, mas mababa ang sukat ng lapad ng baywang (pangkalahatang mas mababa sa 9 na mga pulgada) kaysa dibdib at balakang. Sa ganitong uri ng katawan, nangingibabaw ang bilang ng taba ng katawan sa may tiyan, dibdib, mga pisngi ng puwit, at mukha. Mas maraming androheno kaysa estroheno ang ganitong mga babae, na nakakasanhi ng padrong maskulino ng kanilang mga kalansay.[1]

Hugis peras[baguhin]

Ang apat na pinakapangkaraniwang mga hugis ng katawang pambabae: parang saging, parang mansanas, parang peras, at parasang orasang may buhangin

Sa hugis peras, mas malaki ang lapad ng balakang kaysa dibdib. Nasa mga pisngi ng puwit, mga hita, at balakang ang karamihan ng taba ng katawan. Habang tumataas ang pagkalat ng katawan ng taba, nalalagak ito sa mga bahaging nasa mga pang-itaas na parte ng katawan, pati na sa puson.[1] Tinatawag din itong hugis tatsulok.[2]

Hugis mansanas[baguhin]

Mas malaki ang mga sukat ng dibdib at balikat kaysa mga sukat ng balakang ng babaeng may katawang hugis mansanas. Ang ganitong mga babae ang may pinakamataas na antas ng androheno, kung ihahambing sa mga babae may anumang iba pang mga katawan ng tao. Dahil dito nagkakaroon sila ng katawang may huwarang panlalaki.[1] Tinatawag din itong hugis obal at hugis diyamante.[2]

Hugis orasang may buhangin[baguhin]

Sa katawang kahubog ng orasang may buhangin, halos katulad ng sa balakang ang lapad ng dibdib. Maryoon itong makitid na baywang. Ang ganitong uri ang may pinakamataas na pagkakapantay-pantay ng mga bahagi. Karamihan sa mga kalinangan ang tumuturing na ito ang walang bahid dungis, ideyal, o perpektong katawan ng isang babae.[1]

Sa kasalukuyang panahon, kinikilalang "huwaran", "perpekto", o "ideyal" sa larangan ng pagmomoda ang katawan ng babaeng may pigurang hugis orasang may buhangin, bahagyang may kataasan, balanse sa bertikal na hugis, at may mukhang obal ang hugis.[2]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Different Female Body Types, Perfect Female Body - Ideal Body Measurements For Women, buzzle.com
  2. 2.0 2.1 2.2 Triangle or Pear Shape Body, oval or apple shape, diamond or apple shape, Determine Your Horizontal Body Type, What’s Your Body Shape?, style-makeover-hq.com


Mga kawing panlabas[baguhin]