Kalendaryong Gregoryano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Kalendaryong Gregoriano o Talaarawang Gregoryano ay ang pinakasikat na kalendaryo sa kanluranin. Nagbuhat ito sa Kalendaryong Juliano at unang ipinanukala ng isang doktor na taga-Neapolitano na si Aloysius Lilius. Pinagtibay ang paggamit ng kalendaryong ito ni Papa Gregorio XIII (Ikalabing tatlo), na siya ring pinagmulan ng pangalan ng kalendaryong ito. Pinagtibay ito noong Pebrero 24, 1981, gayumpaman ang bula ng Santo Papa (ang papal bull) - ang Inter gravissimas - ay nalagdaan noong 1581 sa di-malamang kadahilanan at nailathala noong Marso 1, 1582. May ibang bula ng papang hindi salungat sa taon ng pagkapapa at maging ibang taon.

Sa kasalukuyan, ang ginagamit na sistema sa pagbibilang ng araw ay batay sa Kalendaryong Gregoryano sa maraming bansa. Sa pamamagitan ng kalendaryong ito ay itinalaga ang Enero 1 bilang simula ng isang taon. Bago dumating ang Kalendaryong Gregoryano, ang pinagbabatayan ng pagbilang ng taon ay ang Kalendaryong Juliano na hango sa pangalan ni Julius Caesar.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.