Kapuluang Peroe

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kapuluang Peroe
Føroyar
Færøerne
Pambansang Awit: Tú alfagra land mítt
Thou, my most beauteous land

Kabisera Tórshavn
62°00′N 06°47′W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Pinakamalaking lungsod kabisera
Opisyal na wika Peroes, Danes
Pangkat etniko  91.7% Peroes
5.8% Danes
0.4% Icelanders
0.2 % Noruwego
0.2% Poles
Pangalang-
turing
Faroese
Pamahalaan Parlamentaryong demokrasya sa loob ng isang monarkiyang konstitusyonal
 -  Monarkiya Margrethe II
 -  Mataas na Komisyonero Dan M. Knudsen
 -  Punong Ministro Kaj Leo Johannesen
Autonomong lalawigan ng Kaharian ng Dinamarka
 -  Pamumunong pangtahanan 1 Abril 1948 
Lawak
 -  Kabuuan 1,399 km2 (180th)
540 sq mi 
 -  Katubigan (%) 0.5
Populasyon
 -  Pagtataya ng Pebrero 2009 48 797 (ika-202)
 -  Senso ng 2007 48,500 
 -  Kakapalan 35/km2 (ika-176)
90/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2006
 -  Kabuuan $2.2 bilyon (hindi nakaranggo)
 -  Per capita $45,250 (2006 tinataya) (hindi nakaranggo)
TKT (2006) 0.9431 (mataas) (ika-15)
Salipi Kronang Peroes² (DKK)
Pook ng oras GMT
 -  Tag-araw (DST) EST (UTC+1)
Internet TLD .fo
Kodigong pantawag 298
1 Kabatiran para sa Dinamarka kabilang ang Kapuluang Peroe at Lupanlunti.
2 Ang pananalapi, nakalimbag na may mga disenyong Peroes, ay inilalabas na katambal ng kroner na Danes, at nagsasanib ng katulad na katangiang pangseguridad at gumagamit ng kaparehong mga sukat at pamantayan ng mga baryang Danes at nota ng bangko. Ginagamit ng Peroes na krónur (isahan: króna) ng pang-ISO 4217 na Danes na kodigong "DKK".
Ang imahen ng Kapuluang Peroe na kuha ng satelayt ng NASA.

Ang Kapuluang Peroe o Mga Pulo ng Peroe (Ingles: Faroe Islands o Faeroe Islands; Las Islas Feroe, literal na "Islas de corderos" o "Kapuluan ng mga batang tupa"; sa Wikang Peroes: Føroyar, sa Wikang Danes: Færøerne, sa Nynorsk: Færøyane, sa Bokmål: Færøyene, sa Matandang Norse/Islandiko: Færeyjar, sa Irlandes: Na Scigirí) ay isang grupo ng mga isla na nasa pagitan ng Dagat ng Noruwega at Hilagang Karagatang Atlantiko, mahigit kumulang sa gitna ng Eskosya at Lupangyelo. Ang Kapuluan ng Peroe ay parte ng Kaharian ng Dinamarka, kasama na ang Dinamarka mismo at ang Lupanlunti.

Ang Kapuluang Peroe ay naging probinsiyang awtonomo ng Dinamarka simula 1948. Ang mga Peroes, habang tumatagal, ay nakuha na ang karapatan sa maraming mga bagay, ang iba ay responsibilidad pa rin ng Dinamarka, tulad ng depensa (ngunit may sarili silang coast guard o bantay sa dalampasigan), ugnayan panlabas at batas.

Ang mga Peroes ay may malakas na ugnayan sa Islandia, Noruwega, Shetland, Orkney, ang Panlabas na Hebrides at Lupanlunti. Ang kapuluan ay nahiwalay nang pampolitika mula sa Noruwega noong 1814. Ang Peroes ay nagrerepresenta ng Nordikong Konseho bilang parte delegasyon ng Dinamarka.

Mga rehiyon at munisipalidad[baguhin]

Ang Kapuluan ng Peroe ay nahahati sa 34 na munisipalidad at mahigi kumulang na 120 na mga siyudad at mga bayan.

Nahahati ang Kapuluan ng Peroe sa anim na rehiyon: Norðoyar, Eysturoy, Streymoy, Vágar, Sandoy at Suðuroy.

Mga sanggunian[baguhin]