Pumunta sa nilalaman

Koko Pimentel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kgg.

Aquilino "Koko" Pimentel III
Ika-28 Pangulo ng Senado ng Pilipinas
Nasa puwesto
25 Hulyo 2016 – 21 Mayo 2018
Nakaraang sinundanFranklin Drilon
Sinundan niVicente Sotto III
Senador ng Pilipinas
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
15 Agosto 2011
Pambansang Komisyon sa Kabataan para sa Mindanao
Nasa puwesto
1996–1998
Personal na detalye
Isinilang
Aquilino Martin de la Llana Pimentel III

(1964-01-20) 20 Enero 1964 (edad 60)
Cagayan de Oro, Misamis Oriental, Pilipinas
KabansaanPilipino
Partidong pampolitikaPDP-Laban
AsawaKathryna Yu-Pimentel
Anak3
Alma materPamantasan ng Ateneo de Manila
Pamantasan ng Pilipinas - Diliman
TrabahoAbogado

Si Aquilino Martin de la Llana Pimentel III o kilala bilang si Koko Pimentel ay ang ika-28 Pangulo ng Senado ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2018.[1][2]. Siya rin ang kasalukuyang pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP–Laban). Bilang anak ng dating Pangulo ng Senado ng Pilipinas na si Aquilino Pimentel Jr., ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na ang anak ng isang dating pangulo ng senado ay naihalal sa parehong tungkulin.[3] Noong 11 Agosto 2011, siya ay nanumpa sa tungkulin at ipinahayag bilang ika-12 na senador sa naganap na halalan 2007.[4]

Maagang buhay at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Aquilino Martin de la Llana Pimentel III ay isinilang noong 20 Enero 1964 sa Cagayan de Oro, Pilipinas. Ang kanyang mga magulang ay sina Aquilino Pimentel, Jr. at Lourdes de la Llana-Pimentel. Ang kanyang ama ay isang abogado at dean of law sa Xavier University sa panahon ng kanyang kapanganakan. Naihalal din ang kanyang ama bilang isang senador.[5]

Nakuha ni Pimentel ang kanyang Bachelor of Science degree sa Mathematics mula sa Pamantasang Ateneo de Manila at ang kanyang Bachelor of Laws mula sa Unibersidad ng Pilipinas College of Law. Nanguna siya sa 1990 Philippine Bar Examinations na may marka na 89.85 porsyento.[6]

Maagang karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Pimentel ay nagsimula bilang isang abogado noong 1990, at naging komisyonado (kumakatawan sa Mindanao) sa National Youth Commission mula 1995 hanggang 1998. Siya ay isang propesor sa University of the East College of Law mula 2007 hanggang 2010, sa MBA-JD Program ng Ramon V. del Rosario College of Business at Far Eastern University Institute of Law mula 2006 hanggang sa kanyang pagkahalal sa senado noong Agosto 2011.[7] Iginawad sa kanya ang Doctor of Humanities honoris causa ng Polytechnic University of the Philippines noong 18 Mayo 2012.[8]

Karera sa pulitika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Pimentel ay tumakbo bilang alkalde ng Cagayan de Oro noong 2001.[9]

Sa ikalawang pagkakataon, tumakbo si Pimentel bilang senador noong 14 Mayo 2007. Naging kontrobersyal ang pagkapanalo ni Juan Miguel Zubiri para sa ika-12 at huling puwesto sa Senado ng Pilipinas. Lalo na ang mga boto mula sa timog na lalawigan ng Maguindanao ng Pilipinas, kung saan malaki ang inilamang ng mga boto ni Zubiri laban kay Pimentel.[10]

Protesta sa halalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa halalan ng pagka-senador ng Pilipinas, ang labindalawang kandidato na may pinakamataas na bilang ng mga boto sa buong bansa ay inihahalal. Sa halalan 2007, pinaglabanan ni Pimentel (Genuine Opposition) at Juan Miguel Zubiri (TEAM Unity) ang ika-12 na puwesto.[11]

Ayon kay Pimentel, and dayaan sa halalan ay naganap sa 22 munisipalidad ng Maguindanao, 7 sa Lanao del Norte, 3 sa Shariff Kabunsuan, 2 sa Basilan, 2 sa Sultan Kudarat, 4 sa Lanao del Sur, at 4 sa Sulu. Si Pimentel ay nagsumite ng petisyon sa Korte Suprema ng Pilipinas na maghain ng restraining order laban sa pagkapanalo ni Zubiri. Sa pamamagitan ng boto na tumabla sa 7-7, pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang petisyon ni Pimentel.[12][13]

Noong 14 Hulyo 2007, naghain si Pimentel ng isang protesta sa eleksyon sa Senate Electoral Tribunal (SET). Matapos mapatunayan ng SET na may batayan ang protesta, nagpatuloy ito sa isang recount o muling pagbibilang ng mga boto.[14]

Noong Hulyo 2011, ipinahayag ng dating namamahala sa halalan sa Maguindanao na si Lintang Bedol at ang suspendido na gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na si Zaldy Ampatuan na nagkaroon ng malawakang pandaraya sa halalan noong 2007.[15]

Noong 11 Agosto 2011, inilabas ng Senate Electoral Tribunal ang kabuuang bilang ng mga boto: Si Pimentel ay nakakuha ng 10,898,786 na mga boto habang si Zubiri ay nakakuha ng 10,640,620.[16] Bago ito, noong 3 Agosto 2011, nagbitiw si Zubiri mula sa senado; Gayunpaman, inulit niya na hindi siya kasangkot sa pandaraya sa halalan noong 2007.[17]

Noong 11 Agosto 2011, ipinahayag ng Senate Electoral Tribunal na si Pimentel ang karapat-dapat na nanalo sa ika-12 puwesto sa senado.[18] Noong Agosto 12, nanumpa si Pimentel sa kanyang tungkulin sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa Mati, Davao Oriental, kung saan nakatanggap siya ng mataas na bilang ng mga boto.[19]

Pimentel (top left) during President Rodrigo Duterte's 2016 State of the Nation Address.

Si Pimentel ay kasama sa paunang talaan ng koalisyong United Nationalist Alliance (UNA) bilang kandidato sa pagka-senador sa halalan 2013. Subalit ang talaan ng UNA na may mahigit sa labindalawang miyembro at ang pagkakasasama sa talaan ng kanyang matagal nang karibal sa pulitika na si Juan Miguel Zubiri ang naging dahilan sa pagtanggi ni Pimentel sa kanyang puwesto sa koalisyong UNA noong 28 Hunyo 2012.[20] Sa halip, tumakbo si Pimentel sa ilalim ng koalisyon ng Team PNoy, na karamihan ay binubuo ng mga tagasuporta ni Pangulong Benigno Aquino III.[21] Si Pimentel ay inihalal sa Senado ng Pilipinas, bilang ikawalo na may 14,725,114 na mga boto.[22]

Pangulo ng Senado ng Pilipinas(2016-2018)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 25 Hulyo 2016, sa pagbubukas ng ika-17 Kongreso ng Pilipinas, si Pimentel ay inihalal bilang Pangulo ng Senado ng Pilipinas na may 20 boto sa kanyang pabor mula sa 23 na senador.[23] Siya, kasama ang kanyang ama na si Aquilino Pimentel Jr., ang tanging tambalang ama at anak na inihalal bilang Pangulo ng Senado sa kasaysayan ng Pilipinas (ang nakatatandang Pimentel ay nagsilbi bilang Pangulo ng Senado mula 13 Nobyembre 2000 hanggang 23 Hulyo 2001)[24]. Si Pimentel ay nagbitiw noong 21 Mayo 2018 upang maghanda sa muling pagtakbo bilang senador sa darating na halalan 2019. Siya ay ay pinalitan ng Pinuno ng Mayorya sa Senado ng Pilipinas na si Tito Sotto.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Mayo 2013, nakilala ni Pimentel ang kanyang asawa na si Mrs. Kathryna Yu-Pimentel. Pinamumunuan ni Mrs. Pimentel ang PDP Cares, isang sangay pangkawanggawa ng partidong politikal ni Pimentel.[25] Sila ay ikinasal noong Oktubre 2018.[26][27]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lardizabal. C. (2016, July 26). Koko Pimentel elected as Senate President of 17th Congress Naka-arkibo 2016-09-30 sa Wayback Machine.. CNN Philippines.
  2. Pimentel elected as Senate president. (2016, July 25). The Philippine Star.
  3. Quismundo, T. (2016, July 26). The son also rises: Koko Pimentel makes history. Philippine Daily Inquirer
  4. Pimentel proclaimed as senator Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine.. Sunstar.com.ph (2011-08-04). Retrieved on 2011-08-12.
  5. Bio Data Naka-arkibo 2019-05-31 sa Wayback Machine.. The Official Website of Senator Aquilino "Nene" Q. Pimentel, Jr.
  6. Bar Topnotchers 1989-1992. ChanRobles™ Virtual Law Library.
  7. About Koko Naka-arkibo 2019-12-31 sa Wayback Machine..
  8. "Commencement Address of Senator Koko Pimentel for Polytechnic University of the Philippines May 18, 2012". Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 16, 2016. Nakuha noong Oktubre 20, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. MACARAIG, AYEE. "Aquilino Martin 'Koko' Pimentel III: 'It's complicated' (September 30, 2012)". Rappler. Nakuha noong 29 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  10. Zubiri proclaimed 12th Senator Naka-arkibo July 16, 2007, sa Wayback Machine.. Inquirer.net. Retrieved on 2011-08-12.
  11. 2008, March 15. Zubiri: SC ruling on Pimentel bid seals case. ABS-CBN News.
  12. SC paves way for Zubiri proclamation Naka-arkibo 2007-07-15 sa Wayback Machine.. Inquirer.net. Retrieved on 2011-08-12.
  13. Mendez, Christina (Agosto 7, 2007). "Pimentel inhibits self from son's election protest". The Philippine Star. Nakuha noong 13 Marso 2017. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Linda Jumilla Tribunal finds basis to proceed with Koko 2007 elections protest Naka-arkibo 2012-03-16 sa Wayback Machine.. abs-cbnnews. June 19, 2008
  15. Jumilla, Lynda (Hulyo 14, 2011). "Hope comes alive for Koko Pimentel". ABS-CBN News. Nakuha noong 13 Marso 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Calonzo, Andreo (Agosto 11, 2011). "Pimentel proclaimed 12th winning senator in '07 polls". GMA News. Nakuha noong 13 Marso 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Ager, Maila (Agosto 3, 2011). "Zubiri resigns amid poll fraud scandal". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 13 Marso 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Koko Pimentel officially proclaimed senator, Yahoo! Philippines News, Agosto 11, 2011, inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-01, nakuha noong 2011-08-11{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Merueñas, Mark (Agosto 12, 2011). "Koko Pimentel takes oath as senator". GMA News. Nakuha noong 13 Marso 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Pedrasa, Ira (Hunyo 28, 2012). "It's final: Koko won't run under UNA". ABS-CBN News. Nakuha noong 13 Marso 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Drilon's 12-0 agenda is for his own dreams - UNA". ABS-CBN News. Pebrero 24, 2013. Nakuha noong 13 Marso 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Bacani, Louis (Hunyo 6, 2013). "Comelec releases final, official vote tally for Senate polls". The Philippine Star. Nakuha noong 13 Marso 2017. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Ager, Maila. "Koko Pimentel takes Senate presidency by 20-3 vote". newsinfo.inquirer.net. Nakuha noong 29 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Elemia, Camille. "1st in PH history: Father, son elected Senate President (July 28, 2016)". Nakuha noong 29 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Elemia, C. (2017, December 20). Meet Pimentel's 'life partner' leading PDP-Laban's humanitarian arm. Rappler.
  26. Elemia, C. (2018, October 18). Ninong Duterte in Koko Pimentel, Kathryna Yu wedding. Rappler.
  27. RG Cruz (2018, October 18). Koko Pimentel weds chef Kathryna Yu. ABS-CBN News.