Humanidades

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Istatwa ng pilosopong si Plato.

Ang mga araling nauukol sa tao[1] o mga araling pantao (Ingles: Humanities, "pagkatao," o The Humanities, "mga pagkatao" ng tao) ay mga disiplinang akademiko na nag-aaral sa mga kundisyong humano, na ginagamitan ng mga metodo ng malawakang pagsusuri (kritiko), pagpuna (analitiko), at pagbabakasali (ispekulatibo); dahil sa tatlong metodong ito, itinatangi ang pag-aaral na ito - na tinatawag ding humanidades o umanidades - mula sa mga imperikong (empirikal) gawi na ginagamit sa mga likas na agham at mga agham panlipunan.

Ilan sa mga halimbawa ng mga disiplina na may kaugnayan sa humanidades ang mga pag-aaral ng mga sinauna at makabagong mga wika, panitikan, kasaysayan, pilosopiya, pananampalataya, biswal na sining (napagmamasdang sining), at mga sining na isinasagawa (performing arts, kung saan kasama ang musika.) Karagdagan dito ang mga paksang paminsan-minsan nauugnay sa mga araling pantao: tulad ng antropolohiya, at mga pag-aaral pampook (area studies), bagaman itinuturing ang mga ito bilang mga agham panlipunan. Tinatawag na mga humanista o "maka-pantao" (iba mula sa salitang makatao) ang mga dalubhasang nag-aaral ng mga araling pantao. Sa sining, kasama rito ang pagpipinta at paglililok, maging ang mga pagtatanghal sa teatro, mga sayaw, panitikan, at sining pangwika.

Naging popular ang pag-aaral pantao noong mga kapanahunan ng Renaissance ("muling pagsilang", "pagbabalik", o "muling pagkabuhay" ng mga pag-aaral ng mga klasiko o sinaunang kalinangan at sining), isang panahon kung kailan nakahiligan ng mga mamamayan ang pagiging likas ng tao o "likas na katangian ng tao". Samakatuwid, matatawag din ang pag-aaral na ito bilang mga araling hinggil sa sangkatauhan, pag-aaral ng (likas na) pagkatao (ng tao), o pag-aaral ng pagiging tao (ng tao).[1] Naganap ang panahon ng "Muling Pagsilang" sa Europa, nagsimula sa Italya, mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon. Ang panahong ito ang naging marka o pananda sa transisyon o pagpapalit ng kapanahunan mula sa midyebal (panggitna) patungong makabago o modernong panahon.[2]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Humanity, Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. "Renaissance". The Scribner-Bantam English Dictionary (Ang Talahulugang Ingles ng Scribner-Bantam). (1991).



Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.